Tuesday, July 8, 2014

10 Tips para tuluyang mawala ang mga pimples mo

1. Ugaliing Mag-Hilamos ng mukha tatlong beses sa isang araw - Ang Mukha ay katulad rin ng ibang parte ng iyong Katawan na narurumihan through-out the day. Kaya naman kailangan ang special attention para sa ating facial skin. Ugaliing maghilamos at least 7 minutes, 3x a day. Pumili ng Facial cleanser na merong 2 percent na Salicylic Acid, dahil tumutulong ang Salicylic acid para maiwasan ang pimples. Piliin rin yung for Sensitive skin kung Sansitive ka sa mga generic beauty products.

Clean & Clear Facial Wash - Galing dito ang larawan


2. Huwag na huwag pipisilin o puputukin ang tighiyawat - Ang tighiyawat ay nakakatempt putukin o tirisin, lalo na kung inis na inis ka sa pagsulpot nito. Ngunit ang pagputok rito ay nakakasama sa balat dahil maaring pumasok ang germs na galing sa hangin o sa iyong kamay once na naopen ang pores. Maaring mamaga at magkaroon ng di kanais-nais na peklat ang iyong skin.

3. Remedyohan kaagad kung di sinasadyang mamaga at pumutok ang pimples - Hugasan ng facial wash na may benzoyl peroxide ang namamagang tighiyawat saka patuyuin ang face with soft towel. Lagyan ng dab of salicylic acid ang pimple at hayaang matuyo. Sa ganitoong paraan, madidisinfect ang pimple at matutuyo ng mas mabilis.

4. Bigyan ng Chance ang isang beauty product ng at least six weeks - Six weeks ang trial time na kailangan mong ibigay para sa beauty item na binili mo. Kung walang pagbabago sa loob ng six weeks na ito, malamang na hindi effective ang produktong ito para sa iyo.

5. Kung narinig na ang retinoids, bigyan ito ng chance at gamitin - May mga beauty products tulad ng skin cleanser na meroong retinoids. Ito ay isang clarifying ingredient na karaniwang tinataglay ng Anti-Aging products. Ngunit epektibo rin ito sa pimples kung gagamitin ng tama. Magapply lamang ng pea-size amount sa mukha at ipunas bago matulog. Mas napapabilis kasi ng Retinoids ang Cell turnover ng balat.

6. Pigilan ang Pimple hanga't maari - Bago mamaga ang pimple, maging maagap sa treatment. Hindi kailangang isantabi ang acne products kahit walang pimple. Ugaliin ang regular cleansing at facial scrub once a week. Sa ganitong paraan nalilinis ang pores natin at naiiwasan ang extra oil.

7. Iwasan ang sobra-sobrang paggamit ng anti acne products -  Ang sobrang paggamit ng acne products ay nakaka cause naman ng drying at redness ng skin. Ugaliin ang regular usage ng ganitong produkto, like once a week or twice a week. Kung wala namang masyadong problema sa acne, hindi kailangang araw arawin ito.

8. Mag relax ay manatiling stress free - Nakakasawa na ang advice na iwasan ang stress para gumanda ang skin, pero ito ang katotohanan. Maaring mahirap gawin dahil busy tayo sa ating work, school o love life. Maaring walang time to exercise at ichannel ang positivity natin. Ngunit ito ang challenge kung gusto mo ng pimple-free skin.

9. Alalahin lagi ang mantra na: Anti Acne products sa Gabi, Sun protection sa Umaga - Ang paggamit ng Anti Acne products ay maaring maging sanhi ng sun damage, Dahil mas nagiging manipis ang skin kailangan ng enough protection sa sunlight. Gumamit ng SPF products sa Umaga lalo kung lalabas sa initan.

SPF Moisturizer - Galing Dito ang Larawan

10. Mag invest sa scar treatment products kasabay ng pagiinvest mo sa anti acne products - Aminin natin na hindi sa pagkawala ng tighiyawat ang katapusan ng problema. Ang Acne ay naiiwan ng pangit na marks na nais nating mag-fade eventually. Ang mga moisturizer na may Licorice root extract ay maaring maging sagot sa pimple scars.


Perfect example ng clear skin! - "Song Hye-Kyo para sa Laneige"

Wednesday, April 23, 2014

Whitening Tips para sa Morenang Pinays

Mga Sangkap:

1) 9 Patak ng Calamansi - Ang Calamansi ay napaka-common na citrus sa Pilipinas. Mura lang ito at suwerte ka kung meron kayong tanim sa bakuran nito, dahil hindi lamang ito masarap na sawsawan Magugustuhan rin ng iyong balat ang Calamansi dahil meroon itong natural na acid na hindi nakakadry pero nakaka lighten ng Skin.

Galing dito ang Larawan


2) 1 Kutsarang  Plain Yogurt -  Ang yogurt ay merong live bacteria na hindi lamang maganda sa Digestive tract ng isang tao, maganda rin bilang skin hydrant, moisturizer at gamot sa itchiness at iba't-ibang allergies. Meron din itong Lactic Acid na magandang exfoliant ng balat, at Zinc na nakaka-alis ng redness at pamamaga ng pimples.

3.) 1 Patak ng Lavander/Rose/Jasmine scent - Ang scent oils ay nagbibigay ng invigoration sa skin at nakakapag pa-relax ng ating isipan. Magandang ihalo ito sa ating whitening formula lalo kung gagawing night cream.

Paraan:

Pag halu-haluin ang mga sangkap sa isang lalagyan, maaring sa Bote na may takip o sa spill-proff na lunch box, siguraduhing nahalo ng mabuti ang mga ingredients. Gawing night cream, ilagay lamang sa bagong hilamos na mukha at hugasan after 30 minutes gamit ang maligamgam na tubig. Kung gustong gawing Day cream, kumuha lamang ng kaunti at ipunas sa mukha katulad ng paggamit sa isang regular moisturizer. Mabuting ilagay sa ref ang mixture na hindi kaagad naubos.


Wednesday, October 2, 2013

Health tips ngayong tag-ulan

Dahil ang panahon ng tag-ulan ay panahon ng ubo, sipon at trankaso, panahon rin ito ng dry hair, dry skin at skin infections at disease. Narito ang ilang tips para maging healthy at beautiful pa rin kahit tag-ulan.

- Kung alam mo na may posibilidad na mabasa ka sa iyong pagpasok sa paaralan o opisina, huwag lamang payong ang ilagay sa bag. Maglagay rin ng maliit na twalya, extra tshirt at tsinelas. Ang hindi paghubad agad sa basang damit o sapatos ang nagiging dahilan ng fungi, at body odor.

- Hindi porket tag-ulan ay maaring hindi maglagay ng moisturizer o lotion sa iyong mukha at katawan. Ang ganitong weather conditions ang kadalasang sanhi ng dry skin, kailangang moisturized ang balat at all times. Makakatulong ang mga pocket sized moisturizer sa ganitong panahon.

- Ang vitamin c ay mahalaga. Hindi lamang para makaiwas sa sakit na nagigung dahilan ng saggy skin at dry hair. Ang karagdagang vitamin c ay kailangan ng katawan para sa iying kutis at mga kuko. Ang kakulangan kasi ng vitamins na mula sa araw ay maaring maging sanhi ng nail discolorations at coarse hair.

- Gawing ugali ang pagaaply ng antibacterial gel o alcohol sa kamay every 4 hrs. Ang ganitong panahon ay chance sa bacteria na magbreed double time dahil sa added moisture. Ang hygiene ay malaking bagay para maging healthy lagi at maganda.

Published with Blogger-droid v2.0.10

Friday, September 20, 2013

Mga simpleng paraan para maalis ang facial warts

Ang facial warts ay dulot ng HPV virus, madali itong makahawa at madali rin kumalat kahit sa simpleng paraan ng pagkamot lamang. Isa sa pinaka siguradong daholan kung bakit nagkakaroon nito ay ang mahinang immune system, kadalasan kapag nagkakasakiy tayo ay mas madali tayong mahawa ng warts. Sa mga kababaihan, pagkatapos manganak ay mapapansin ng ilan na biglang nagsusulputan ang facial warts, isa sa dahilan nito ay ang paghina nga ng immune system na dulot ng panganganak.

Narito ang ilang natural remedy sa iyobg facial warts:

1. Garlic o bawang. Hatiin sa sa gitna ang isang garlic clove at ikiskis ng mabuti sa facial warts mismo. Siguraduhin na mababasa at maabsorb ng warts ang garlic juices habang ikinikiskis. Gawin ito ng 2-3 x a day, mapapansin ang kaibahan sa loob ng isang buwan depende sa dami ng facial warts mo. Ang ganitong paraan ay mahapdi sa balat at may katagalan, pero epektibo ito at hindi kailangan gumastos. Mas mabuti rin na huwag muna mag apply ng makeup o kung anu mang cosmetics habang nasa ganitong treatment.

2. Cortisone at karayom. Ang ganitong paraan ay mainam kung ang warts mo ay medyo malalaki at nakaalsa. Dahil kinakailangang sundutin ng karayon ang warts isa isa saka lagyan ng cortison cream na nabibili sa drugstore. Masakit ang ganitong paraan at sapat siguraduhin na malinis ang karayom na gagamitin. Kung flat ang facial warts mo at hindi kalakihan, mabuting iwasan ang paraan na ito. Ang ganitong method ay mabisa sapagkat ang pagtusok sa warts at paglagay ng cortisone pagkatapos ay mas nagpapadali sa pagpatay ng virus. Mapapansin na sa pagkatuyo ng sugat ay kusang matutuklap ang warts.

3. Tea tree oil. Ang tea tree oil ay mabisang gamot para mapatay ang anumang uri ng virus. Ito rin ang pinaka hassle free ngunit kailangan regular at may katagalan ang bisa. Idilute lamang ang maliit na amount saka ikiskis sa affected area 3x a day.

4. Vitamins at minerals. Higit sa lahat napakahalaga na malakas ang resistensya mo para makaiwas sa virus. Ang kahit anong medication ay walang silbi kung mahahawa at mahahawa ka uli pagkatapos. Siguraduhing palakasin ang immune system.

5. Hygiene. Ang warts ay virus at madalung makahawa. Kailangan ng ibayong pagiingat, magkatoon ng personal na gamit tulad ng twalya, sabon, makeup tools kung babae, mga medyas at panyo.

Ang larawan ay galing sa: Moleswartsremoved.com

Published with Blogger-droid v2.0.10

Tuesday, September 10, 2013

Mga sanhi At lunas sa iyong backne

Ang backne ay short term para sa back acne o mga tighiyawat at blemishes na bigla nalang nagsusulputan sa iyong likod. Kadalasan meroon nito ay iyong mga teenagers na nagdaraan sa puberty stage ng kanilang buhay o mga adults na nakakaranas ng stress sa kanilang buhay o trabaho. Ang backne ay hindi agad mapapansin tulad ng tighiwat sa mukha na mas mafali mong makokontrol dahil madalas mong makita. Ngunit mahalagang tandaan na kung papaano mo inaalagaan ang iyong likod dapat ganon din ang pagaalaga na ibigay mo sa iyong likod. Ang skin sa likod ay sensitive din katulad ng saating mukha, kaya nararapat lamang ang tamang pagaalaga. Narito ang ilang sanhi ng back-acne:

- excess oil production ng skin na maaring dulot ng imbalance diet o stress

- hindi maayos o hindi madalas na pagsasabon o paghihilod ng likuran.

- Paggamit ng matapang na body wash o sabon na hindi hiyang sa iyo.

- Madalas na pag-iscrub sa likuran.

- Pagsusuot ng clothing kung saan maaring naiiritate ka sa fabrice na ginamit

Narito naman ang ilan sa maaring solusyon sa iyong problema sa backne:

- sapat na tulog at pagpapahinga para maiwasan ang stress.

- Gamitin ang facial wash mo bilang panghugas na rin sa iyong likuran.

- Mag iscrub one to two times a week ng iyong likuran.

- Pumili ng mga damit na gawa sa cotton, yung fabric na kahit pagpawisan ka ay hindi maiiritate ang iyong balat.

Tandaan na ang iyong balat ay nangangailangan ng tama at sapat na pangangalaga katulad na rin ng pagaalaga mo sa iyong mukha.

Ang sapat na pahinga at tulog ay mahalaga... kaya i-ischedule ang iyong beauty sleep kahit 3 beses sa isang linggo lamang.

Published with Blogger-droid v2.0.10

Saturday, March 23, 2013

Alternative sa Derma-Treatments


Ang Pagkakaroon ng maganda, malinis at makinis na mukha ay pinaghihirapan. Kailangan ng extra effort, and yes extra money.... Ang mga dermatologist ay maroong nirerekomendang mga produkto na maaring epektibo at safe gamitin sa mukha. Pero maaring mahal ito at hindi pasok sa budget ng ilan, Kung gusto mo ng cheap at effective na mga pampaganda, natural remedy ang solusyon. Sa loob lamang ing ilang linggo makikita mo ang epekto nito!

• Toothpaste - Ang toothpaste ay epektibong blackhead at white heads remover. Maglagay lamang ng konting amount sa infected areas, maaring sa ilong, pisngi o baba. Hayaan ito sa loob ng 25 minutes. Maaring makaramdam ng mainit o minty na feeling, normal ito. Pagkahugas mo ng iyong mukha makikta mo na wala na ang surface builds ng whiteheads at blackheads pero kailangan mo pang hugasan ng maigi ang iyong mukha para matangal ang buildup underneath your skin. Ulitin ang ganitong technique every other day sa loob ng dalawang linggo.
• Kamatis - Ang kamatis ay meroong natural na antiseptic properties kung kayat nakakatuyo ito ng whiteheads at black heads. Balatan mo ang isang pirasong maliit na kamatis at durugin ito. Ilagay ang mga pinagdurugan sa mukha bago matulog at matulog ng hindi hinuhugasan ang face. Pagka gising, maghugas ng mukha gamit ang maligamgam na tubig.
Dito galing ang larawan
• Lemon - Hugasan ang mukha sa maligamgam na tubig. Katasan ang lemon sa isang tasa at maglagay ng konting asin dito, haluin. ILagay ang mixture sa blackheads at whiteheads. Hayaan lamang sa loob ng 20 minutes at saka hugasan ang mukha gamit ang maligamgam na tubig muli.

● Cornstarch - Ihalo ang cornstarch sa vinegar gamit ang 3 to 1 ratio, halauin hanggang maging pasty, iapply sa problem areas sa iyong face for 30 minutes. Hugasan ang mukha gamit ang maligamgam na tubig at washcloth.

● Rice – Ibadad ang bigas sa gatas sa loob ng limang oras at saka durugin sa blender hangang maging pasty. Gawing body scrub ang mixture para clean at radiant glow.

● Potatoes – I-grate ang isang pirasong hilaw na patatas at saka ikuskos sa balat particular sa irritated skin, dark spots, blemishes at insect bites. Itigil sa loob ng 15 mins.

Tandaan!
Maging gentel sa skin, huwag pisilin, kuskusin ng mabigat at kutkutin ang blemishes.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...