Friday, April 27, 2012

Secret recipes para gumanda

  • Mahalagang mag-laan ng isang araw kada isang linggo na hindi haharap sa computer o laptop. Ang magdamag na pagharap sa computer ay nakakadag-dag ng stress dahil sa mga ions na na-eemit nito. Ang karagdagang stress ay masama sa skin at maaring maging cause ng premature wrinkles.
Shhh...
  • Panatilihin ang amoy ng pagiging bagong Ligo kahit gabi na. Nakaka-tulong ang pag-dala ng Kikay Kit, maglagay ng mini tooth brush, cologne at powder. Makakatulong ito para maging Fresh kahit hapon na, maaring mag schedule ng fresh me up breaks kada hapon para magamit ang kikay kit.
  • Nakakatulong ang pagdadala ng ilang pieces ng accsessories para makapag switch ng outfit ng madalian. Ang mga colored stones ay bagay sa araw at ang mga danglers at hoop earings ay bagay sa gabi kung may night-out.
  • Iwasan ang pagkaing meron vegetable oil dahil dahilan ito para mag break out ang acne at iba pang skin problems. Ang... Vegetable oil ay itinuturing dahilan ng hormonal inflamation na isa sa pinakamataas na cause ng acne. Gawing alternatibo ang baking sa frying, mapapansin kaagad sa skin ang epekto.
  • Ang pag bu-buff ng mga kuko bago i-apply ang nail poslish ay makakatulong para mas mukhang dry at malinis ang mga kuko. Mas matagal din matanggal ang nail polish kapag ang mga kuko ay na-buff na. Makakatulong din ang pag-apply ng base coat at finishing coat sa bagong pintang mga kuko.
  • Kung balak isuot ang mini skirt o mini dress, maaring haluan ng konting foundation ang iyong body lotion at i-apply sa legs. Ang effect nito ay makinis at magandang legs at hindi mawawala agad ang kinis-effect nito dahil sa body lotion.
  • Kung gusto mong magbawas ng timbang, iwasan ang fruit juices na nabibili sa mercado. Meron itong napakalaking amount ng sugar kayat hindi ito healthy sa katawan, ang tangging fruit juices na nakakaganda ng kalusugan ay yung fresh lamang at ikaw ang gagawa.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...