Thursday, May 10, 2012

Paano isuuot ang Little Black Dress

Ang  LBD (liitle Black Dress)ay isang must-have sa closet ng kahit na sinong babae, hindi lamang pang-party ang outfit na ito, kundi perfect din sa office, dates at malling. Kaya hindi ka magsisisi kung magiinvest sa LBD, pumili lamang ng dress na perfect ang fit sayo at komportable ka isuot.

  • Corporate. Tama! maaring isuot ang LBD sa job interview, corporate meetings, product launching, etc. I-pair lamang ang black coat at high heels, samahan pa ng attractive accessories, piliin yung may mga stones na malinis ang pagcu-cut. Maaring gumamit ng thick black belt at i-high pony tail ang buhok o kaya sleek bun at ready ka na to ace that Interview for your dream job.
Si Audrey at ang Iconic LB
  • Night-out. Ilugay ang buhok, at i-try ang sexy curls. Magsuot ng sparkling blings tulad ng rhinestone rings, dangling earings o hoop bangles. Sexy, strappy stilettos ang bagay na footwear. Ang make-up na babagay ay syempre dark, o yung mga brown based kung gusto mo ng medyo light. Grab that cute pouch at ready ka na for a night out!
  • Casual. Kung trip mo magshopping o bumisita kay aunt mary suot ang iyong LBD, pasok pa rin ito! Ang black dress ay perfect din sa casual gimmicks lalo na kung yari sa soft fabric ang LBD mo. Isuot ang ballerina flats at scarf, -pair ang hoops o pear studs. Maari din i-consider ang boots kung feel mo lang. Kunin na ang colorful shoulder bag at i-flaunt ang iyong get-up.
  • Out with the Girls. Ang gimmick with the girl-kadas calls for an ultimate fashion get-up, isuot ang iyong LBD! Pair it up with a bolro o hoodie, leggings o printed tights, call mo! Bagay din ang silver at gold colored belts at pouches, long necklaces at colorful earings. Layering lang ang kailangan!
  • Date with someone special. Perfect ang LBD sa iyong inaasam-asam na date! Romantic pero hindi over-dressed, sexy pero hindi vulgar. Babagay ang simpleng hair accessories like bareets o fancy clips, ang key dito ay playing with the colors. Ang suade purple shoes ay perfect sa LBD na maraming frill hanbang ang red shoes ay bagay sa silk LBD na sexy ang cut. Huwag matakot mag eksperemento, Tingnan ang mga runway models kung kailangan ng inspirasyon.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...