Friday, May 18, 2012

Tipid Beauty Products tip

Gumamit ng Multi function na Beauty Products 
Madaming mga beauty products ngayon na multi function o yung mga mahigit sa isang function. Hindi lamang pinapaliit nito ang ating mga kikay kit, pati gastos natin sa beauty products ay pinapaliit din. Ang Beauty Balm o yung mga BB creams ay combinasyon ng Anti-ageing, SPF protection at foundation. Ang AVon ay meroong ganitong uri ng produkto na murang-mura lamang at pasok sa budget. Maaring limitado ang pigments na maaring pagpilian sa BB Cream products, at mahihirapan ka kung yellow based ang skin tone mo. Pero sabi nga nila, walang masama sa pag-tatry.
Avon BB Cream




Subukan ang mga Store Brands.
Ang mga store brands beauty products ay higit na mas mura kesa sa mga branded na pampaganda. Sila ang mga Generic ng beauty products, ang mga beauty at health stores tulad ng Watson's at Essentials ay meroong mga sariling line ng lotions, soap, nights cream, etc. Hindi naman masamang subukan sila lalo kung sa mga sabon at lotion lang. Pero pagdating sa mga produktong may specific functions tulad ng anti-ageing, mas mabuting mag-stick sa known brands.


Bumili ng Tipid na Make-up remover.
Sa pagsabing "tipid" na make-up remover, maaring gumawa ng sarili sa pamamagitan ng baby shampoo at wash cloth o bulak. Kung araw araw kang nagmamake-up at madali kang maubusan ng make-up remover, maaring gumamit ng baby shampoo nsa tear free upang pamalit sa mahal mong make-up remover o cold cream. Gentle ito kaya hindi maiiritate ang mga mata mo sa pagtanggal ng eye make up. Ipunas lamang ito sa mukha at alisin sa pamamagitan ng wash cloth, tissue o bilak.


Magkulay ng buhok mag-isa.
Maraming DIY hair colors ang nabibili sa mga tindahan kaya hindi problema ang magkulay ng buhok mag-isa sa bahay. Siguraduhin lamang na susundan ang produres bago gamitin. Kung hindi ka kampante, maaring mgasama ng kaibigan para tulungan ka sa pagkukulay ng iyong buhok, meroon ding ibang saloon na pumapayag na magdala ka ng sarili mong hair color at i-chacharge ka nila ng mas mababa kesa sa normal na hair coloring price.


Mag Pedicure at Manicure sa bahay.
Walang masama sa pagpepedicure at manicure mag-isa sa bahay, hindi lamang makakaiwas sa mahabang waiting line, makaka pili ka din ng gusto mong kulay at magagamit mo ng mas matagal. Hindi naman mahal ang maginvest sa Nail file, nail cutter, nail polish remover, cuticle remover, at ilang kulay ng nail polish. Huwag lamang sosobrahan ang pagkakalinis sa mga gilid ng kuko upang makaiwas sa infections. Kung may problema sa ingrown o dry skin, mas mabuting mag-saloon na lamang.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...