Tuesday, September 10, 2013

Mga sanhi At lunas sa iyong backne


Ang backne ay short term para sa back acne o mga tighiyawat at blemishes na bigla nalang nagsusulputan sa iyong likod. Kadalasan meroon nito ay iyong mga teenagers na nagdaraan sa puberty stage ng kanilang buhay o mga adults na nakakaranas ng stress sa kanilang buhay o trabaho. Ang backne ay hindi agad mapapansin tulad ng tighiwat sa mukha na mas mafali mong makokontrol dahil madalas mong makita. Ngunit mahalagang tandaan na kung papaano mo inaalagaan ang iyong likod dapat ganon din ang pagaalaga na ibigay mo sa iyong likod. Ang skin sa likod ay sensitive din katulad ng saating mukha, kaya nararapat lamang ang tamang pagaalaga. Narito ang ilang sanhi ng back-acne:

Gucci Ad ni Gal Gadot featuring her Flawless Back!

- excess oil production ng skin na maaring dulot ng imbalance diet o stress
- hindi maayos o hindi madalas na pagsasabon o paghihilod ng likuran.
- Paggamit ng matapang na body wash o sabon na hindi hiyang sa iyo.
- Madalas na pag-iscrub sa likuran.
- Pagsusuot ng clothing kung saan maaring naiiritate ka sa fabrice na ginamit
Narito naman ang ilan sa maaring solusyon sa iyong problema sa backne:
- sapat na tulog at pagpapahinga para maiwasan ang stress.
- Gamitin ang facial wash mo bilang panghugas na rin sa iyong likuran.
- Mag iscrub one to two times a week ng iyong likuran.
- Pumili ng mga damit na gawa sa cotton, yung fabric na kahit pagpawisan ka ay hindi maiiritate ang iyong balat.
Tandaan na ang iyong balat ay nangangailangan ng tama at sapat na pangangalaga katulad na rin ng pagaalaga mo sa iyong mukha.
Ang sapat na pahinga at tulog ay mahalaga... kaya i-ischedule ang iyong beauty sleep kahit 3 beses sa isang linggo lamang.
Published with Blogger-droid v2.0.10

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...