Tuesday, April 24, 2012

Hair styles na Madaling gawin pero hindi Boring

Dalang-dala ni Jessica Alba ang Messy Bun
  • Ang messy-bun Hair do ay sikat na sikat dahil madali at walang kahirap-hirap itong gawin. Lagyan ng serum ang buhok pagkatapos ay itali ng mataas gamit ang elastic, i-twist ang ponytail at i-loop ang dulo para maitago ito saka itali muli ng elastic. Maglagay ng Hairband at i-set ang hairdo sa konting spray net.
  • Hugasan ng maaga ang buhok at i-braid ito pagkatuyo o ilagay sa rollers o curlers. Pagkatapos ay balutin sa twalya gamit ang clips bago matulog. Pag gising mo aaring maligo ng hindi binabasa ang buhok sa pamamagitan ng shower cap. Tanggalin na ang braids o curlers pagkatapos ay lagyan ng mousse o serum ang kulot na buhok, maaring i-pony tail o ipitan. Mas matagal ang buhay ng pagka-kulot kung over night mo itong i-seset.
  • Gusto mo ba ng kakaibang hairstyle kumpara sa pang araw araw na lamang na estilo ng iyong buhok? I-try ang side braids, Tirintasin lamang ang mahabang buhok pababa ay hayaang pumaling sa balikat. Pagkatapos ay laygan ng serum ang buhok at idagdag ang frills at kaunting bangs.
Roman ponytail na bagay sa prom.
  •  Ang Roman Ponytail ay ginagawa sa mahahabang buhok lalo't makakapal. Hindi ito form ng braids dahil hindi naman ikukulot ang buhok dito. Mas ideal ang ganitong hairstyle sa mga party o prom kung saan madaming ilaw at medyo pormal ang susuotin tulad ng gowns o cocktail dress. Ginagawa ito sa pagtatali ng buhok sa high ponytail at pagkatapos ay ilagay ang isang makintab at mahaba na cord sa elastic, at itali ito ng pa cross pababa ng buhok saka i twist sa dulo ng ponytail.
  • Gusto mo ba ng kulot na buhok ng hindi iniiba ang iyong long straight hair. Maari naman pagsabayin ito sa iisang hairstyle, i-high pony tail ang straight na buhok pagkatapos ay lagyan ng serum o mousse. I-curl ang dulo gamit ang curling iron o curlers, kung gagamit ng iron, mas makakabuti na serum ang ilagay para hindi ma-damage ang buhok. Elegante tingnan ang high ponytail habang no-fuss naman ang dating ng curls.

1 comment:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...