Thursday, July 26, 2012

8 beauty tips para magmukhang payat!

1. Maaring magmukhang payat kung pahahabain mo ang iyong buhok at gagawa ng Illusyon sa pamamagitan ng Vertical Lines o mga pataas pababang guhit.
Kung gusto mong magmukhang payat kahit hindi nagdidiet at nageexercise, maaring pahabain lamang ang buhok at i-try ang highlights using golden streaks. Ang pataas-pababa kasing mga guhit sa iyong mahabang buhok ay pinaliliit ang appearance ng bilugan na katawan. Kung kulot ka naman, wavy o curly, mas mainam dahil magmumukhang maliit ang katawan mo in contrast sa malaki mong hair do. Iwasan lamang ang short bobs lalo na sa bilugang mukha.


Galing Dito ang larawan.




2. May pagkakaiba ang Traditional Facials at ang mga nauusong Electric facials, sa electric facials maaring mag mukhang maliit o mabawasan talaga ang fats sa mukha mo.
Ang Traditional facials ay meroong focus sa skin care, pinakikinis at nililinis nito ang mukha habang sinisugurado na natetreat ang mga problems sa skin mo. Ang nauusong electric facials ay nagiging popular dahil hindi lamang nito nililinis ang iyong balat kundi nirerelax nito ang facial muscles mo kaya instant face-lift ang effect. Mainam ito kung gustong mabawasan ang "bulgy" look ng iyon face in an instant.


3. Maaring magmukhang payat ang iyong mga pisngi sa pamamagitan ng make-up, maari rin itong magbigay illusyon para mas maging defined ang iyong cheeks at jaw.
Ang contouring ay ginagawa para mas maging defined ang cheeks at jaw, maaring magmukhang payat ang pisngi mo sa pamamagitan nito. Pumili ng blush na two tones darker sa iyong natural na shade at i-apply ito upward mula jaw line hangang sa may tenga. Maglagay ng konti sa ilalim ng baba at panga.


4. Kung gusto mong pumayat in an instant dahil meroong mahalagang event na pupuntahan, possible yan sa Tummy wrap.
ANg Body wraps o Tummy wrap ay isang usong treatment partikular sa mga spa na nagtutunaw ng extrang mga taba sa isang area ng katawan. Gumagamit ng thermal waves para matunaw ang fat cells habang naka "wrap" ang iyong tiyan sa isang slimming device. Pero mahalagang tandaan na ang ganitong treatment ay effective lamang kung kailangan ng mabilisang paraan para pumayat. Babalik din kasi ang mga tinunaw na fatty cells kapag uminom ng tubig o meroon na uling salt intake.


5. Ang pinaka effective na instant slimming effect ay na sa buhok at pananamit lamang, i-try ang volumized hair do at ultra high-heels.
Magsuot ng naayon sa iyong body shape, kung malaki ang bottom, mga damit na naeemphasize ang upper body ang dapat piliin at vice versa. Ang pagsusuot ng high heels ay nakakadag dag hieght kaya magmumukhang mas mahaba ang iyong fihure. Pumili rin ng volumized hair do tulad ng curly hairs, layered at wavy 'do.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...