Paano alagaan ang Colored Hair

  • Huwag i-shampoo ang buhok bago magkulay. Mas makakatulong kung 24 hours mo munang hindi liliguan ang iyong hair bago ka mag-apply ng hair color. Ang natural oils na pinoproduce kasi ng scalp ay tumutulong sa hair colorants para mas kumapit sa hair strands. Ang natural oils din ng scalp ay magsisilbing protective barrier nito sa mga harsh components ng hair dyes.

  • Pagkatapos kulayan ang buhok, mas makakabuti kung hindi muna uli liliguan o sha-shampuhin ang hair ng 24 hours para mas ma-penetrate ng hair dye ang hair strands ng mas matagal. Sa ganitong paraan kasi mas lalabas ang effect ng hair color versus sa original color ng hair mo. Tempting talaga na hugasan ang buhok lalo't maamoy mo ang hair color from time to time, dagdagan pa ng mainit na panahon! pero kung gusto mo ng magandang effect, kailangan mong maghintay.

  • Sa Pinas, hindi tayong sanay na hindi maligo at i-shampoo ang buhok araw-araw, pero kung nag-color ka ng hair maaring magfade ito everytime nagshashampoo ka dahil sa sulfate content ng karamihan ng mga shampoo na nabibili over the counter. Maaring twice to thrice a week na lang mag-shampoo pagkatapos ay conditioner lang ang gamitin sa ibang araw, sa ganitong paraan mas tatagal ang permanent dye sa buhok.
Anne Curtis
 
  • Ugaliin ang monthly hair trim. Mas prone kasi sa dryness at split ends ang dyed-hair kaya kailangan ng prevention. Mas makakabuti rin kung anti-dry hair ang conditioner na pipiliin, iyong maari mong gamitin araw-araw para sa extra moisture at less frizzy na buhok.
 
  • Iwasan ang hair-ralaxing, rebonding at iba pang matapang na chemical treatment sa buhok lalo na kung may color na ito dahil magiging brittle ang hair strands ng buhok at makaka-epekto din maging sa natural hue ng buhok. Hintayin na lamang mag-fade ng tuluyan ang hair color na inapply bago sumubok ng hair treatments.
 
  • Mas makakabuting mag-apply ng hair serum o gloss everyday pagkatapos maligo o bago lumabas sa initan. Kailangan kasi ng extra protection ng mga colored hair, dahil mas prone sila sa dryness. Kailangan mong i-apply ang gloss mula cuticle ng hair hanggang dulo. Sabi nga sa isang commercial: From roots to ends.
 
  • Uminom ng maraming tubig. Nasa kalusugan mo pa rin magmumula ang kagandahan ng iyong hair. Kung ikaw mismo ay nakaka-experience ng dehydration lalo na ang iyong buhok. Kaya sisiguraduhin mong hydrated ka lagi para mas healthy ang buhok mo lalo na ang mga roots nito.
 
  • Hanggang kaya, iwasan ang blowdrys, hair irons, curlers o kahit na anong mainit na hair styling tools. Dahil iniiwasan natin na ma-dry ang buhok mo. Brittleness kasi ang unang-unang sign ng buhok na nagddry at hindi healthy at karaniwan itong nangyayari sa mga colored hair.

Comments

  1. 𝚊𝚗𝚘 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚎𝚛𝚞𝚖 𝚊𝚝 𝚐𝚕𝚘𝚜𝚜?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang maganda pong hair serum ay ashley

      Delete
  2. Thankyou for the information!😘

    ReplyDelete
  3. Gaano po ulit katagal bago magpalit ng hair color. Gumamit po kc ako ng blackening shampoo

    ReplyDelete
  4. Gaano katagal mg palit ng color

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts