Paano Maalis ang Matitigas na Kalyo

Ang Calluses o Hyperkeratosis ay ang kondisyon kung saan kumakapal ang balat dahil sa:

1. Pagkabilad sa araw
2. Exposure sa matatapang na kemikal tulad ng bleach
3. Friction o ang madalas na pagkiskis ng balat sa mga bagay tulad ng sapatos o alahas

Dahil sa mga dahilan na iyan, nabubuo ang dead skin cells at nagpapatung-patong hanggang sa tumigas at maging. Maaring makaramdam ng sakit o irritation ang isang area ng katawan na meroong kalyo.

Paano Tanggalin?





  1. Gupitin - Karaniwan itong ginagawa ng karamihan, wala naman masama kung gugupitin ang kalyo lalo kung sa kamay at paa. Kailangan lang magdahan dahan para hindi masugatan. Maaring lagyan ng konting baking soda ang area bago gupitin, basain ang kalyo at i-massage ang baking soda sa area saka hugasan. Mas epektibo rin ang paggupit kung hindi pa ganun kakapal ang kalyo sa isang area ng skin. Lagyan ng lotion o moisturizer ang area pagkatapos.
  2. Corticosteroid creams - Mabisa ito lalo kung matagal at may kakapalan na ang kalyo. Nakakabili ng corticosteriod over the counter, mag tanong lamang sa drugstores. Maraming klase ang Corticosteroid creams, karaniwang ipinapahid ito regularly hanggang lumambot at kusang matanggal ang kalyo.
  3. Salicylic Acids - Mabilis at mabisang paraan ang pag apply ng Salicylic acid sa makalyong area. Katulad ito ng Corticosteroid creams, ipinapahid ito regularly hanggang lumambot at kusang matanggal ang kalso.
  4. Laser Therapy at Surgery - ito ang pinaka mabilis at elektibong paraan para matanggal ang kalyo. Maaring iconsider ito kung malala na ang kondisyon ng iyong kalyo.
Kung galing naman sa Sun exposure ang mga kalyo, maglagay ng sunblock at hanggat maari iwasan ang sobrang exposure sa ilalim ng araw.


Tandaan lamang na hanggang exposed ka sa tatlong sanhi ng kalyo (sa taas), ay hindi mawawala ang iyong kalyo. Dahil natural na reksyon ng balat ang pag-form ng kalyo para protektahan ang inner layer ng balat sa mas seryosong damage. Kaya kumakapal ang skin sa isang area na madala maexpose sa friction, araw or kemikal.







Paano ko maiiwasan?

Para maiwasan ang Chemical exposures, karaniwan sa kamay, gumamit ng Gloves o holders para hindi direktang maexpose sa chemicals. Ganun din sa friction, gumamit ng makapal na foot socks o medyas para maiwasan ang mga kalyo sa paa. Kung madalas nagbubuhat ka ng mga mabibigat na bagay, gumamit ng rubber gloves. Kung sa pagsusulat nakukuha ang kalyo, maaring gumamit ng rubber per holders o bumili ng ergonomically designed pens.

Comments

Post a Comment

Popular Posts