10 beauty tips na walang Gastos

Hindi mahal magpaganda
  • Huwag maglalagay ng make-up o moisturizer bago mag-work out. Pag pinagpapawisan tayo, naglalabas ng toxins ang katawan kasama ng pawis, i-bblock ng make-up o kahit anong form ng cosmetics ang pores natin kaya mata-trap ang toxins sa ating skin na maaring maging casue ng blemishes at dull skin. Kumuha na lamang ng twalya at basain ng malamig na tubig pagkatapos ay idampi ito sa mukha hanggang leeg.
  • Makukuha ang natural glow sa face kung uugaliin na tapik-tapikin gamit ang iyong mga daliri ang iyong mikha. Dahil sa ganitong form ng pagmamasahe, nagcicirculate ang blood sa cheeks kaya ang resulta ay natural glow.
  • Huwag gagamit ng hair brush kapag basa ang buhok. Gamitin ang wide tooth comb kapag bagong ligo, ito rin ang gamiting para i-untangle ang mga buhol-buhol na hair. Mas madili kasing maputol ang hair strands... kapag basa ang buhok kaya hintaying matuyo bago magbrush ng buhok.
  • Ang healthy hair ay nakukuha kung healthy din ang scalp, makakatulong ang scalp massage. Maari mo itong gawin kung magsusuklay ka 20 minutes bago maligo gamit ang isang paddle brush. Sa ganitong paraan na-eexfoliate, stimulate at iniimprove mo ang blodd flow sa scalp mo habang inaalis rin ang tension ng sabay-sabay.
  • Iwasan na maglagay ng eyegream sa lids sa umaga. Madali kasing maalis ang eyeshadow kung naglagay ka na ng eyecream bago magmake-up. Ilagay lang ang morning eye cream under your eyes sa may bandang brow bone lamang.
  • Gusto mo ba ng fuller lips effect? i-line ang lips gamit ang dark lip color at patungan ng paler lip color. Magbe-blend ang dark at pale colors kinalaunan kaya ang tendency ay fuller lip illusion.
  • Kung curly ang hair mo at nagaaply ka ng mouse o texturizing cream everyday para anti-frizz, maari mong lagyan ng conditioner ang mousse mo, kaunti lamang. Mas controlled kasi ang curly hair kung may extra conditioner ito. Sa ganitong way, mas less frizzy kahit hindi ka na mag re-apply ng mousse kahit hapon.
  • Naghahanap ka ba ng way para sa instant relaxation? huwag ng gumastos pa, kumuha lang ng mainit na tubig, ibuhos ito sa isang basin at ilublob ang mga pagod na paa, pagkatapos maglagay icepack sa noo habang nagpapahinga. Ang magkahalong lamig at init na mararamdaman ng katawan ay magti-trigger ng positive energy - instantly.
  • Ayaw mo ba ng ultra-bright lipstick? Maaring i-tone down ito kung magaaply ka ng makapal na lip balm (pumili nung nasa pot, mas waxier ang ganitong type) pagkatapos ay magdagdag ng konting lip color at i smear ito ng bahagya hanggang ma-achieve mo ang hue na preferred mo.
  • Thick Mascara ba ang gusto mong effect? Huwag ng gustos ng malaki para sa mahal na volumizing mascara, i-brush lamang gamit ang brow brush ang iyong lashes pagkatapos mag-apply ng mascara. Siguraduhin lang na hindi pa gaanong natutuyo ang mascara na inaaply, pagkatapos ay i-curl muli.

Comments

Popular Posts