Beauty Tips na di dapat ma-miss!

  1. Iwasang matulog ng nakadapa. Ang pagtulog ng nakadapa ay nagbibigay ng pressure sa ating mukha habang nasa "restful state" ang ating katawan kaya mas prone tayo sa puffy eyes at wrinkles. Alam mo ba na ang average weight ng ulo ng isang tao ay 7-8 pounds? Imaginine mo na ganyang kabigat ang naka patong sa face mo buong gabi! Ayon sa ibang Dermatologist, kaya nilang sabihin kung saang side ng face mo ikaw natutulog dahil sa bilang ng iyong wrinkles.

Beauty rest Ala sleeping beauty

2. Gusto mo ba ng instant facelift pagkagisisng mo? Kumain ng high-protein, Low-carb and Low sugar dinner. Iwasan muna ang rice at pasta for dinner, at ipalit ang salmon at asparagus. Ang high-carb diet kasi ay nagbibigay ng doughy at tired appearance sa ating mga pisngi lalo kapag napahinga ng matagal ang ating facial muscles dahil sa pagtulog.

3. Maaring magbigay ng instant glow sa iyong skin ang night cream mo kung hahaluan mo ng konting self-tanner. Ilagay ito bago matulog, at kapansin-pansin ang kakaibang glow pagising...
Meroon na ring nabibiling night cream na may tan-producing DHA, itanong na lamang sa beauty consultant ng iyong paboritong drugstore o make-up bar.

4. Problema mo ba ang AM Frizzyness ng iyong hair. Palitan ang cotton pillowcases mo ng satin, o kaya ibalot ang buhok sa satin scarf bago matulog. Ang satin fabric kasi ay halos walang friction na ibinibigay sa buhok habang natutulog. Ang resulta ay soft, silky hair.

5. I-try mo na mag-apply ng conditioner bago matulog. Basain ng bahagya ang buhok at lagayan ng rich conditioner, hugasan ang buhok kinabukasan. Mayroong nabibili na Hair Masque ngunit pwede namang gamitin ang kahit na anong over the counter rich conditioner.

6. Ang pinaka effective na beauty secret ay tamang pagtulog. Malaki ang epekto ng puyat at pagod sa skin, eyes at hair kaya ugaliin matulog ng may sapat na oras para makabawi ang katawan mo sa daily activities. Hindi nagsisinungaling ang mga mata, makikita at makikita kung pagod ka at kailangan ng katawan mo ng pahinga, kaya huwag abusuhin ang katawan - Mag beauty rest!

7. So wala kang available na eye cream? i-try ang petroleum jelly. I-lather lang sa mga mata bago matulog, regardless ang amount, siguraduhin lang na hindi mo po-problemahin ang oil stains sa bedsheets mo. Hayaan ito overnight para ma-condition ang lashes at ma-hydrate ang thin skin around the eye area.

Comments

Popular Posts