Bongang Nails Minus the Manicure

  • Kung napapansin mo na Brittle o dry ang nails mo, malamnag kulang ka sa Vitamin A at calcium. mapapansin ito kung dry ang cuticle area ng nails mo at nagiging whitish ang edges nya kapag ginugupit mo. Kumain ng foods na mayaman sa Vitamin A tulad ng broccoli, carrots at cheeses. Dagdagan din ang Calcium sa pamamagitan ng paginom ng gatas, pagkain ng yogurt at nuts.

  • Ugaliin na bago matulog, hugasan ang kamay ng mild soap at patuyuin sa pamamagitan ng hand towel. Mag-apply ng moisturizing lotion at small amount ng potroleum jelly sa mga cuticles. Gawin ito everynight at within a month lang, pansin mo agad ang difference. Mas nourished ang cuticles mo at malinis tingnan, hindi na kailangan ng clear nail polish!

  • Kung kinakailangan ng major linisan sa bahay, ugaliin ang pagsusuot ng hand gloves para maiwaan ang chipping at drying ng nails. Matatpang na chemicals ang components ng detergents, disinfectants at kung ano-ano pang panglinis sa bahay, kaya kailangan protektahan mo ang mga kamay mo kung ayaw mong magmukhang mas matanda ang kamay mo kumpara sa totoong age mo!

Nail buffing


  • Kung gusto mo na mas tumibay ang nails mo i-buff ito. Nagbibigay ito ng kinakailangan blood circulation sa mga daliri kaya nai-istimulate ang growth ng nails. Hindi lamang maiiwasan ang  chipping, mas mahaba at matibay pa ang nails mo. French tip is it!

  • Ang Vitamin B12 deficiency ay nagiging dahilan ng brittle nails at pangingitim nito. kapag may B12 deficiency makikita ang mga white marks sa nails, kaya isama sa regular diet mo ang Vitamin B12.

  • Iwasan ang pagkakaroon ng hangnail sa paggamit ng nail file. Ang nail file ay useful din para makaiwas sa broken nail at chipping. maginvest sa matibay at dekalidad na nail file dahil mas mainam kung matagal mo syang magagamit.

Comments

Post a Comment

Popular Posts