Everyday Make-up Tips na pang-Hollywood ang dating!
Taylor swift's Au Naturel make up |
- Maghilamos muna at siguraduhin na malinis ang mukha at oil-free at pawis free. Maglagay ng Concealer sa corners ng mga mata. Kung meron kang eyebags, maaring lagyan ito ng exact amount lamang. Lagyan din ng concealer ang lids o talukap ng iyong mga mata, dahil magandang base ito para sa eyeshadow kung naisin mong maglagay. Pagkatapos, pumili ng cream blusher o tinted moisturizer para sa cheeks mo, siguraduhin i-apply ito sa apples ng iyong mga pisngi dahil dito natural na nag-bblush ang pisngi. Maaring maglagay ng powder blush on na medyo lighter ang shade o yellow based.
- Unang-una sa make up rule - Bawal ang oily skin at pawis! Siguraduhing naghilamos muna o gumamit ng paper powder o oil control film. Dahil ang lids o mga talukap ay kailangan din ng prepping kapag lalagyan ng make-up, siguraduhing nalagyan ito ng foundation kasabay ng buo mong mukha. Pumili ng brown liner at iapply sa lids, pagkatapos i-apply din ang black o dark brown liner, siguraduhing magbblend ang colors. Pumili ng pink o peach hue para sa eye shadow. Lagi lang tandaan na ang dark colors ay laging una i-apply bago ang lighter shades.
- Kapag pipili ng Lip color, siguraduhing babagay sa look mo. Maaring i-consider ang kulay ng isusuot, skin tone o accessories na gagamitin. Halimbawa, cocktail dress ang isusuot mo, mas mabuting rose o peach ang lip color mo para mas girl-ly ang dating. Kung everyday pamporma lang, mas magandang brownish ang shade na pipiliin para "neutral" ang feel. Huwag kakalimutan ang gloss pagkatapos ng lip tint.
Comments
Post a Comment