Hairstyles para sa Short Hair

  • Maaring makapili ng angulo kapag maiksi ang buhok mo. Alamin ang shape ng iyong mukha at mula dito hanapin ang angulo na babagayan ng iyong buhok. Maari ring gawing reference ang mga sikat na artista para makapili ng cut na babagay sa features mo.
  • Ang perming ay nagbibigay ng volume, height at curl sa iyong buhok. Alalahanin ang buhok ni Meg Ryan kung feeling mo ay masyadong unruly ang iyong buhok. Mas mainam ang magdagdag ng texture sa short hair para hindi maging boring ang look ng style na napili mo. Mainam din maglagay ng mousse kesa serum para mas magkaroon ng volume ang buhok.
be bold katulad ni Charlene

  • Huwag mag-experimento sa buhok mo. Ika nga nila "Be Bold" Tamang tama ang advise na yan lalo kung Bob ang napili mong haircut. Hindi totoong limitado ang hairstyles na maari mong gawin kung maiksi ang iyong buhok. Maaring i-try ang spikes, tousled o side bangs. Maraming hair products ang maari mong subukan para maka-create ng ibat-ibang style sa iyong hair-do.
Sexy Bob ni Meg Ryan

  • Maari pa rin maglagay ng hair accessories kahit maiksi ang iyong buhok. Subukan ang Glittered Hairbands, barrets na may malalaking rhinestones o floral designs, hairclips na makukulay, etc. Siguraduhin lamang na babagay sa okasyon o kasuotan ang mga accessories na isusuot mo.

  • Laging tandaan na mahalaga ang Volume kapag maiksi ang buhok. Kung natural na kulot ang iyong buhok, magkakaroon ng extra volume ito kaya mainam kung dadalasan ang paggamit ng conditioner o leave-ons, huwag lamang sosobra kung away mong "wet look" ang kalabasan ng hair-do mo.

Comments

Popular Posts