Healthy Hair tips
- Ang Conditioner ay must have lalo kung summer. Dahil sa init ng araw nauubos ang moisture at nutrients ng buhok kaya kailangan nito ng shield at protection. Ang Conditioner ay nilalagyan ng extra moisture ang outer layer ng buhok tulad ng pag protekta ng sunblock sa skin. Kaya maginvest sa conditioner na hihiyang sa buhok mo.
- Kung Healthy naman ang iyong anit, wala kang problema sa dandruff o itching pero nanglulugas ang iyong buhok maaring Stress ito. Apektado kasi ang natural Oils sa ating scalp kapag stress tayo. Nagproproduce ang ating katawan ng ibang levels ng natural oils kaya maaring maapektuhan ang buhok at balat natin dito. Iwasan ang sobrang stress at matutong magrelax. Iyan lamang ang sagot dyan. Kung bagong panganak naman, normal ang hairfall. Magtutuloy-tuloy ito hanggang mag-one year ang iyong baby.
- Ang Aloe Vera ay mainam na gawing shampoo paminsanminsan. Alisin lamang ang balat ng Aloe Vera at gawing cream ang laman nito. Ikiskis sa anit ang Aloe at hayaang mag-stay sa buhok ng ilang minuto. Makikita ang instant glow ng buhok na parang nagconditioner ka din.
Mas maganda kung pure ang honey na gagamitin. |
- Kung dry hair naman ang problema, maaring gawing shampoo ang honey, hugasan lamang ang buhok matapos imasahe sa scalp ang honey. Ang honey ay meroong natural ingredients na magandahindi lamang sa katawan kundi pati sa buhok.
Comments
Post a Comment