Mga at-home beauty Fix

  • Ang pagkain ng mga foods na may Vit. B tulad ng itlog, isda at brown rice ay maganda para kuminis ang ating balat. Nire-regulate nito ang body oils sa balat kaya maaring makaiwas ka sa formation ng blackheads sa iyong mukha kung isasama mo ito sa iyong araw-araw na pagkain. 
Papaya

  • Ang papaya ay may Lycopene. Ang Lycopene ay pinaniniwalaang nag-aabsorb ng UV rays na syang dahilan ng premature aging at wrinkles. Maaring gawing facial moisturizer ang papaya juice bago matulog. Hugasan lamang ito after 15-20 mns. Pag na-absorb na ng skin ang minerals.
  • Hindi lamang pipino ang maaring maka alis ng eyebags. Maaring gamitin ang sliced na hilaw na patatas kung hindi available ang pipino. May potassium kasi ito na nakakabawas ng puffiness.
  • Maaring gamitin ang olive oil para malutas ang problema sa dandruff. i-massage ang oil sa scalp at hayaan ng 30 mns. Bago mag-shampoo. Maganda ito para maibalik ang moisture sa scalp.
  • Nakakabawas ng formation ng Cellulite ang pag-gamit  ng body scrub. i-massage ang scrub sa katawan sa circular motions tuwing naliligo, makakatulong kung sa hot bath gagawin ito.

Comments

Popular Posts