Skip to main content
Mga DIY beauty secrets na makikita mo sa iyong Kusina!
- Banana - Ang saging ay mainam para sa acne prone skin. Durugin lang ang isang pirasong hinog na saging saka ilagay sa mukha parang facial mask. Iwasang ilagay ang masyadong makapal na amount. Hayaan sa mukha ng 20 minutes pagkatapos ay banlawan sa maligamgam na tubig. Ang saging kasi ay nagbibigay ng Good Bacteria sa na umaatake sa mga toxins sa skin.
- Apple Cider Vinegar - Mabibili ang apple cider Vinegar sa local grocery stores at health stores, pumunta lang sa baking section o condiments section. Ang apple cider ay magandang gamot sa acne. May componenets ito na nakakabawas ng pamumula o pamamaga ng acne, nililinis rin niya ang skin naturally. Ihalo lang ang one part ng apple cider vinegar sa 2 parts na tubig, ilagay sa coton ball at gawing toner.
|
Avocado ala Mudpack |
- Avocado - Durugin ang avocado ng pinong-pino hanggang parang mudpack na ang texture nito. I-apply sa mukha at iwan ng 10 minutes. Maari din itong gawing hair mask, haluan lang ng isang kutsara na olive oil at iwan sa buhok ng 20 minutes. Ang avocado ay napakagaling sa dry skin at hair. Bukos sa meron itong mahigit sa 25 na klase ng Vitamins at minerals, loaded din ang avocado sa monounsaturated fat, potassium, fiber and antioxidants!
- Olive oil - Maaring gawing night cream ito at hugasan na lamang pagkagising. Maari ring i-dab sa face gamit ang bulak, habang inaaply sa mukha at labi. Ang olive oil ay epektibo para ma-nourish ang dryness at matanggal ang dead skin cells.
- Baking Soda - Ang baking soda ay maaring ihalo sa toothpaste, facial cleanser o toner. Instant exfoliant kapag inaaply mo sa toner at instant teeth whitener kung i-hahalo sa toothpaste, huwag lang araw-arawin dahil hindi mild ang components ng baking soda bagama't effictive talaga ito na cleanser sa skin at ngipin.
Comments
Post a Comment