Skip to main content
Mga effective na Pam-paganda, nasa Kusina na!
- Mainam na gamiting body scrub ang balat ng mga citrus fruits tulad ng lemon, kalamansi at orange. Ang mga balat daw kasi nito ay mabisa para mabilis na maalis ang mga dead-skin cells sa balat. Sa ganitong paraan, mapapanatili ang youthful glow ng balat.
- Isang mabisang paraan para mapanatiling pantay ang kulay ng balat ang pag lagay ng teabags sa pampaligong tubig. Mas mainam kung maligamgam, mayaman kasi sa antioxidants ang tea kaya maganda ito para bigyan ng glow ang balat.
- Kasing ganda raw ng effect ng cellophane treatment ang pag-lagay ng mayonnaise sa buhok sa gabi.I-apply ang mayo sa buhok parang conditioner, at hayaan lamang overnight, balutin lamang ang buhok ng plastic bago matulog at hugasan ng shampoo sa umaga.
- Ang Honey daw ay mabisang gamitin upang kuminis ang balat sa mukha. I-apply daw ito kagaya ng moisturizer bago matulog at hugasan matapos i-massage sa skin. Binabalik daw kasi nito ang natural moisture ng skin.
- Kung ikaw ay nagiging biktima ng matinding pagpapawis sa kili-kili, maaring i-try na gawing deodorant ang baking soda. Gamitin lamang itong parang tawas at mararamdaman ang epekto dahil mababawasan ang pagpapawis at hindi magiiwan ng amoy pawis.
- Napatunayang maganda ang dulot ng protien na galing sa egg whites. i-apply lamang ang egg whites sa mukha parang moisturizer, at hugasan pag natuyo na. Ang protein ay nakakabawas sa aging process at nag-aabsorb ng oil sa skin.
|
Beauty-FUD! |
- Painitan ang gatas sa tamang temperature lamang at gawing foot soak. Ibabad ang mga paa ng 20 minutes. Magaling ang gatas para maibsan ang pagod at masasakit na paa, kasabay nito ma-momoisturize din ang legs.
- Ang pag-inom ng Virgin Coconut Oil ay maaaring magpakapal sa iyong buhok. Simulan ito sa pag-nom ng isang kutsara bago kumain ng agahan. Hanggang sa maging sanay ka na para uminom ng 2 kutsara kada- bago kumain. Ang Coconut oil ay nakakatulong din sa weight loss at problema sa hyperthyroidism.
- Magandang panghilamos ang Katas ng Oatmeal. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-balot ng isang handful ng oats sa twalya. Talian ang twalya para maibalot ang oats, tapos ay ilubog ito sa tubig na iyong panghihilamos. Ang tubig na pinagbabaran ng oatmeal ay maganda sa balat para bigyan ito ng moisture para sa ...buong magdamag.
- Para sa natutuyong balat, maghalo ng isang pula ng itlog, isang kutsaritang honey at isang kutsaritang olive oil. Kung mayroon naman, maari din itong haluan ng kaunting vitamin E oil at saka ipahid ito at iiwan ng hanggang sa 15 minuto, saka ito banlawan ng maligamgam na tubig at tuyuin sa pamamagitan ng pagdampi ng malinis na twalya.
- Upang tanggalin ang makeup, magahalo ng dalawang kutsaritang powdered skim milk sa maligamgam na tubig at iapply ito sa paggamit ng cotton balls. At pagkatapos punasan ito ng tissue at tuyuin.
- Mag masa ng 1 avocado sa may maikling buhok at 2 avocado sa mahaba. Haluin ito sa isang bowl hanggang kumapal na paste. Ikalat ang paste sa iyong buhok. Iiwan ito ng 20 minuto , saka ito ishampoo at banlawan.
Isang mabisang paraan para mapanatiling pantay ang kulay ng balat ang pag lagay ng teabags sa pampaligong tubig. Mas mainam kung maligamgam, mayaman kasi sa antioxidants ang tea kaya maganda ito para bigyan ng glow ang balat.
ReplyDeletetanong ko lang kung kahit anong klase ba ng tea pwede?
sa sobrang dami ng tips in facial thingy tuwing night paano ko pagsasabay sabayin yun?
ReplyDeletekelangan ba imaintain?
Hello po...ask ko lang,anu anong mga gatas ang pwde ipahid sa mukha bukod sa alphine?sana matulungan nio ako..
ReplyDeleteMagandang gawing Face mask ang kahit na anong powdered milk. Haluan lamang ng Lemon o kaunting oat meal (kung oily skin). Kung fresh milk ang preferred mo, maari itong gawing facial wash, haluan mo lang ng lemeon o kaunting baking soda.
Delete