Mga Tips para i-prep ang face para sa Make-up

  • Ang fixing spray ay mainam bago maglagay ng foundation. Hydrating ito at tumutulong sa skin para mas matagal kumapit ang make-up. Perfect ito lalo kung summer. Maaring gumawa ng home made fixing spray kung walang budget para dito. Ihalo lamang ang konting amount ng toner sa isang bottle sparay na may laman na tubig. Ilagay sa ref bago gamitin para mas cooling ang effect.

  • Maaring mag dust ng face powder bago magsimulang ilagay ang concealer. Ang effect nito ay para ma-absorb ang extra oil lalo kung oily ang skin. Bigyan lamang ng pansin ang T-zone dahil mas oily sa area na ito ng ating face, Hindi kailangang makapal ang ilagay na face powder. Gumamit lamang ng round brush at i-dust lang ng bahagya ang face powder.

  • Maglagay ng concealer sa problem areas tulad ng blemishes, eye bags, dark areas paligid ng mata at corners ng labi. Pumili ng concealer na 1-2 shades darker sa iyong skin para ma-maximize ang concealing power. and concealer ay hindi lamang tinatakpan ang problem areas ng skin kundi tumutuling din sa staying power ng foundation na iyong ilalagay.

  • Call mo pumili kung liquid o powder type foundation ang gagamitin. Kung nais mo ng staying power, powder foundation ang gamitin dahil maari mong basain ang sponge kapag iaaply ito. Ang liquid foundation naman ay mainam kung hindi heavy make-up ang kailangan at pang everyday wear din. Ang sikreto sa magandang pag-apply ng foundation ay blending. Kailngang siguraduhin na pantay-pantay ang application.

Full coverage make-up ni Rihanna


  • i-Blend ang foundation hanggang neckline kung kinakailangan. Maglagay ng tissue sa neckline ng damit para maiwasan ang staining sa damit. Kung Medyo shiny pa rin ang T-zone pagkatapos maglagay ng foundation maaring mag-dust uli ng face powder dito gamit ang round brush para maiwasang mabura ang amount ng foundation na nailagay na.

  • Kung gusto ng shiny effect para hindi masyadong pale ang dating ng foundation mo, maglagay ng bronzer. Iwasan ang orange hue bronzer pumili ng browns instead. I-apply ito sa noseline, apples ng cheeks, forehead at chin.

  • Tandaan na oil-free foundation lagi ang gagamitin para mmakaiwas sa blemishes. Hindi talaga bagay ang oil based foundation sa tropical country na tulad saatin, maglagay na lamang ng moisturizer pagkaligo para maiwasan ang dry skin.

Comments

Popular Posts