Problema sa Split ends?
Ang split ends karaniwan ang sanhi ng dry at frizzy hair. Nakukuha ito sa sobrang pagbibilad sa araw at mga harsh chemicals na nilalagay natin sa ating buhok tulad ng dyes, matatapang na salon treatments, shampoos, spray net, etc. Narito ang ilang tips para maiwasan o masolusyunan ang split ends.
- Iwasan ang hair dyes, straightening o relaxing. Ito ang numero unong sanhi ng split ends, kung maari i-try nalang ang keratin treatments, Hot oils o cellophanes. Mas less ang chemical components sa treatment na ito. Once every month lamang gawin ito sa paborito mong salon, para naman makaiwas din sa possibleng hair fall.
- Gumamit ng shampoo na may Phytojoba o kahit anong kalidad na shampoo na may moisturizing effect. Gumamit rin ng conditioner pagkatapos ay siguraduhing nabanlawan ito hanggang dulo. Maari mong i-try na maligamgam na tubig ang pangbanlaw sa buhok pagkatapos ay malamig naman ang ipang-final rinse. Magbibigay ng extra shine ang ganitong trick.
- Magpa-hair trim ka every month. Hindi naman kailangan na sa salon ka magpa-trim, maraming kababaihan ang takot gupitin ang kanilang buhok. Possible ito basta panatilihing iisang sukat ang binabawas mo sa ends ng iyong hair. Gupit gupitin ang damaged areas layer by layer, ganito kasi ang pinaka safe na pag-gupit ng buhok mag-isa.
- Huwag na huwag kukuskusin ang buhok ng twalya. Ibalot lamang ang buhok sa twalya hangang ma-absorb ang extra water, pagkatapos ay patuyuin. Iwasan ang blower na hot setting. Tandaan na init lagi ang sanhi ng split ends kaya iwasan ang hair iron at blower hangga't maari.
Comments
Post a Comment