Skip to main content
Feel-Good skin tips
- Ang key para sa stress-free looking skin ay huwag ma-stress! Medyo impossible pero maari, pilitin ang sarili na magkaroon ng kahit 7 oras na tulog gabi-gabi. Mapapansin mo na nababawasan ang pangingitim ng eyebags mo at mas healthy tingnan ang iyong mukha. Bukod pa dyan, blooming ang aura mo the whole day long!
- walang studies para ma-back up na ang citrus fruits ay nakaka-alis ng wrinkles. Pero totoong may detox effect ito, nililinis nya ang liver at kidneys at meroong connection sa healthy internal organs at healthy skin. Kaya ugaliin na gawing snacks ang citrus o vitamin c rich foods.
- Massage! Ugaliing imassage ang mukha kapag naghihilamos o nagaaply ng moisturizer. Hindi dab kundi massage, magdagdag ng gentle, extra pressure kapag naga-apply ng moisturizer, maiimprove ang blood circulation sa mukha para less wrinkles in the future.
- Ang pag-apply ng SPF lotion ay nakakareduce ng stress, dahil alam mong protected ang skin mo kahit saan ka magpunta. Kahit sino ay maiistress sa sunburn! lalo na kung nag-beach ka o nag tanning bed. Ingatan ang skin para hindi ma-stress!
- Inis na inis ka ba sa tighiwat na biglang umusbong sa mukha mo? Alam mo bang pwede mong putukin ang tighiyawat! Oh yes, pwede as long as tama ang paraan na ginawa mo. i-pop lamang ang tighiyawat kung meroon itong whitehead on top, kumuha ng dalawang cotton buds at ipitin ito. Lagyan ng salicylic acid after.
- Ang Pore strip at instant feel-good material. Ilagay ito sa iyong ilong habang nagpapahinga, nagrerelax, nanonood ng TV, kumakain o nag-fafacebook. Sobrang sarap ng pakiramdam kapag tinaggal na ang strip lalot makikita mo na luminis ang iyong ilong.
- Kumain ng chocolate! Hindi masama ang pagkain ng chocolate paminsan minsan, maganda itong paraan upang mabawasan ang stress natin. Wag lang i-over do ang pagkain. Hindi naman totoo na ang chocolate ay dahilan ng acne, sa katunayan may antioxidants pa nga ang dark chocolates na maganda sa katawan. Kaya wag nang pigilan ang sarili at hayaan na i-trigger ng chocolates ang happy hormones sa brain mo.
Comments
Post a Comment