Hair accessory na dapat i-try!

1. Bandana - Ang bandana ay perfect sa weekends errands, Yung mga araw na wala kang time maligo at busy sa kakalinis ng bahay, kakaluto at kakalaba at biglang kailangan lumabas ng bahay para sa grocery o kahit na anong errand. Pumili ng colorful bandana na may ornamental prints kung boho chic ka. Kung gusto mo naman ay plain lang o matching sa marami sa iyong outfit.


2. Bright Headband - Ang headband ay perfect sa kahit anong outfit. Kung plain at without highlights o hair color ang buhok mo, pasayahin ang look sa pamamagitan ng bright colored headband. Subukan ang reds, oranges, yellows at light green, Maganda itong tinganan lalo kung summer at maaraw talaga. Magdala ng ilang pieces kung mag-swi-swimming o magpi-picnic.
Stylish Mini Turban


3. Mini-Turban - Perfect din sa tag-araw ang mini-turban. Pumuli lamang ng panyo o bandana na matching sa outfit at may simple prints gaya ng stripes o checks. Ilagay ito ala sporty-bandana sa bandang forehead. Hindi lamang solb ang problema sa pawis, cool at chic pa ang dating kung ipapares sa iyong shorty-shorts at stillettos.


4. Skinny Headband - Ang skinny headband ay maaring garterized, wire, textile o plastic. Perfect itong i-match sa kahit na anong hairstyle, kung daytime pumili ng plain colored at yung walang decorations para isuot sa iyong braided hair, pony tail o nakalugay na buhok. Kung night time naman maaring pumili ng meroong embellishments, ornaments o ribbons.


5. Bow Headband - Ang bow headband, glittery man o simple lang ay perfect sa araw man o sa gabi. Pumili lang ng bagay sa iyong outfit. Huwag lang i-over do ang pagiistyle sa buhok para hindi maging OA ang iyong look.


6. Flower Pin - Ang flower pin ay hindi lamang clothing accessory kundi bagay din sa iyong hairdo. I-try ilagay sa iyong high-pony tail ang flower pins, i-pin ito safely sa iyong elastic band. Pumili ng summer colors tulad ng pink, orange, red violets at yellows. Kung low budget maaring kumuha ng pekeng flowers galing sa inyong flower vase at isuksok sa iyong ponytail.


7. Comb Barette - Ang barette ay classical at stylish ang dating, maaring ilagay ito sideways, sa tuktok o sa likod. Mas safe kung magisis-stick sa dark colors like browns at blacks para mas flexible gamitin at maraming bagayan. Maaring i-curl ang buhok at gamitin ang barette sideways.


8. Flower clip - Ang flower clip ay available sa ibat ibang looks, meroong maliliit lamang at hindi masyadong agaw attensyon. Meroon naman malalaki at colorful, ibagay lamang sa pupuntahan at activities na gagawin ang flower clip na isusuot.


9. Clip Hair Extensions - Hindi lamang unique at eye catching gawin hair accessory ang hair extensions, binibigyan din nito ng ibang level ang fashios sense mo. Pumili ng hair extensions na may bright colors o opposing sa natural hair color mo para kapansin pansin!
Hair extensions in bright red


10. Beret - Ang beret ay pwede sa casual o formal na lakad. Classical pero fashionable ang dating nito. Perfect sa shorts summer outfit o sa sunday dress mo. Siguraduhin lamang well-polished at maayos ang buhok bago i-clip ang iyong beret. Meroong mga designs na may feather o malalaking ribbon, preference mo nalang kung anong isusuot mo accordingly.

Comments

Popular Posts