Iwasan ang "Bacne"
Sexy back kung pimple-free |
- Magsuot ng cotton shirts at blouses kung mag-wowork out o alam mong pagpapawisan ka ng matagal. Mas less kasi ang friction kapag cotton ang suot na damit, ang friction ng fabric sa balat ay maaring maging sanhi ng irritation at blemishes. siguraduhin din na hindi ka nasisikipan sa iyong suot na damit at komportable ka dito.
- Alamin kung allergic ka sa shampoo na gamit mo, karamihan ng mga herbal shampoos ay naka-akma sa isang type ng skin kaya mahalagang alamin kung magrereact ang skin mo dito. Kung sensitive ang skin mo, huwag padaanin ang bula ng shampoo sa likod o kaya siguraduhin na walang traces ng shampoo ang likod pagkaligo. Sabunin ulit ito at tiyakin na shampoo-free.
- Ang Glutathione ay anti-oxidant na nakaka-alis ng bacne. Kung severe na ang problema mo sa bacne, maaring kumonsulta sa dermatologist kung safe para saiyo ang pag-take ng Gluthatione, ang gluta kasi ay pwedeng i-take orally o through injections. Meron din namang mga klase ng sabon na may Gluthathione content.
- Iwasan muna ang body scrubs, kung hindi maiiwasan huwag i-scrub ang likod. Madalas kasi naiiritate lang ang acne sa likod pag nakukuskos. Sabunin lamang ng mild soap at punasan gamit ang malinis at malambot na twalys, Iwasan din ang lotions at moisturizers.
- Madalas, kapag mahaba ang buhok nakakaligtaan malinis ng husto ang likod kapag naliligo. Gumamit ng shower cap o itali muna ang buhok kapag nililinis ang katawan. Katulad din ng mukha, kailangan malinis ang kahit anong parte ng ating katawan para hindi mag-thrive ang bacteria dito at maging sanhi ng acne.
- Maraming nagsasabi na ang oatmeal ay magandang solusyon sa bacne. Gumamit ng oatmeal based products tulad ng lotions, body wash at creams. Maari din naman gumawa ng sariling oatmeal scrub sa pamamagitan ng durog na oatmeal at fresh milk. Paghaluin lamang ito at ikuskos sa likod na may pimples bago maligo.
- Maaring stress lang ang dahilan. Minsan kasi ang hormonal imbalance na dulot ng pagod at puyat at nagrereact thru skin causing pimples either sa mukha o sa likod o pareho. Kumain ng healthy foods, matulog ng tama at laging tumawa. Iyan ang sikreto para sa healthy skin from within ika nga. Mag-take rin ng vitamin E supplements, makakatulong ito.
You are an awesome writer, keep it on!
ReplyDelete