Kakaibang Tips na nakaka-wow!
Wow Tip#1:
Napaso ka ba sa hair iron? Malimit ma-paso ang tenga o batok kapag madalas kang nag-iiron ng buhok. Lagyan lang ng Honey. Ipunas ito na parang ointment 3x a day hanggang mawala ang pamumula. Soothing ang effect ng Honey sa balat habang iniiwasan din nito ang maaring pangingitim. Ang honey ay may anti-bacterial action din kaya magagamot nito kung sakaling may bacteria o minor infections ang pagkapaso mo.
Wow Tip#2:
Huwag mong itapon ang kahuli-hulihang bits ng iyong lipstick. Alisin ito sa lagayan nya at itago, maari itong gawing lip balm kung ihahalo sa shea butter, ilagay lamang sa isang maliit na lalagyan o tubes. Maari mo din itong gawing lip color, Painitan lamang ang isang kutsara ng petroleum jelly sa stove at ihalo ang liptick pieces hanggang tuluyang matunaw. Maaring lagyan ng scent gamit ang vannilla extract. Ilagay sa maliit na pot o tube at i-refrigerate para tumigas.
Wow Tip#3:
Alisin ang dark under eye circles instantly! Ang orange ay sa blue habang ang blue ay sa orange. Iyan ang major rule sa pagpili ng concealer na ilalagay sa mukha. Na-mamask ng blue based concealer ang orange to reddish facial marks tulad ng irritation st acne. Habang na-mamask ng orange based concealer ang bluish facial marks tulad ng eyebags o mga pasa at peklat.
Wow Tip#4:
Kapg naghihilamos, wisikan ng maligamgam na tubig ang mukha ng 20 times, tapos i-cleanse gamit ang facial foam o sabon, i-lather ng circular motions. Pagkatapos ay wisikan ang malamig na tubig 10 beses. Ang ganitong paraan ng paghihilamos ay makakatulong para ma-deep cleanse ang pores dahil bumumukas ang pores sa mainit na tubug at sasarado uli kapag naghilamos naman ng malamig na tubig. Mapapansin ang kakaibang radiance at smoothness ng babalt pagkatapos.
Nagmamadali ka ba ngunit kailangan ng full make up? Kalimutan na ang colorful eyeshadow ay gumamit nalang ng glitter gel o bronzer sa lids at maglagay ng waterproof mascara at lipstick. Ang waterproof mascara ang pinaka madaling matuyo sa lahat ng klase ng make up kaya perfect ito sa "in-a-rush" mode ng pagpapaganda.
Wow Tip#6:
Para sa talagang WOW na eyes, gamitin ang eye lash curler pagkatapos magapply ng mascara. Mas effective ang pag-curl kapag meroon ng mascara, hintayin lang itong matuyo bago i-curl. Magsisilbing primer ng lashes ang mascara at mas matagal ang curling effect. Maari ding lagyan ng clear mascara ang mga kilay bago mag pluck o shave.
Wow Tip#7:
Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng brushes at suklay. Ang mga brushes kasi at suklay na araw-araw nating ginagamit sa ating buhok ay nagkakaroon ng product at oil build up. Maaring maging sanhi ito ng madumi at dull hair. Kaya ugaliin ang madalas na paglilinis ng mga ito tulad ng madalas na paglilinis mo ng iyong buhok.
Wow Tip#8:
Ang Fuschia at iba pang bright hues na lip color ay perfect din sa tanned women o yung may mga dark skin. Ugaliin lamang i-define ang lips gamit ang foundation bago i-apply ang lip color. Gumamit ng slanted brush at simulan sa lip corner palabas dahan-dahang i-line ang lips. Saka i-apply ang bright lip color, lagyan ng colorless lip gloss pagkatapos.
Wow Tip#9:
Ugaliin ang regular na pagpapalit ng pillow cases. Ang pillow case kasi ang sumasalo ng lahat ng dumi na nakuha ng ating buhok sa ating pagtratrabaho buong araw. Ang dumi at oils na nakuha ng unan ay maaring malipat sa ating mukha at maging sanhi ng break outs at blemishes, Magpalit ng mga punda at beddings isang beses isang linggo.
Wow Tip#10:
Madalas ka bang gumamit ng gel o hair wax? Bigyan muna ng break ang iyong buhok dahil maaring maging sanhi ito ng pagka lagas ng buhok, nagiging brittle kasi ang hair kapag madalas nag paggamit ng ganitong mga formula. Gumamit muna ng Leave-ons pangsamantala kung hindi maiwasan ang paglalagay ng hair products.
Wow Tip#11:
Nagmarka ba ang dark nail polish na nilagay mo sa iyong mga kuko? Kung hindi mo agad naalis ang dark colored nail polish na ginamit mo, maaring magmarka ito sa iyong mga kuko ng ilang araw. Para maalis ang mga discolorations sa nails, mabisang paraan ang denture cleaner. Ibabad lamang ang mga kuko for five minutes at masosolve ang problema mo.
Wow Tip#12
Clueless kung anong shade ang babagay sa skin color at outfit mo? Ang pinkish plum ay perfect sa kahit na anong skin tone o color ng outfit. I-Blush lamang ito sa perfectly clear skin na inapplyan na ng foundation, pagkatapos ay gumamit ng yellow based eyeshadow at clear mascara. Perfect na for daytime gimmick!
Wow Tip#13:
Kailangan mo ba ng instant refresher ng buhok? Gumamit ng dry shampoo at i-spray ito sa buhok, i-try ang Dove dry shampoo available sa beauty at drug stores. Tapos at i-blow dry ang hair ng hot setting at suklayin, sa ganitong paraan matatangal ang product at oil build-up sa buhok mo at mabilis na way din para mas ma-straight ang hair mo.
Wow Tip#14:
Problema mo ba ang pag-apply ng false lashes? Ilagay ang glue along lash line at maghintay ng 30 seconds bago i-set ang falsies sa glue. After 30 seconds kase medyo dry na ang glue at mas madaling i-place ang falsies sa ganitong consistency. Ang basang-basang glue kasi ay medyo madulas at maaring gumalaw pa ang flasies kapag nilagay agad.
Wow Tip#15:
Sea salt, dry milk at baking soda. Iyan ang tatlong ingredients para sa smooth at silky bath soak. Hindi kailangan ng mahal na spa treat. Ihalo lamang ang tatalong ingredients na ito at i-scrub sa basa mong skin. Hayaang i-massage sa buong katawan ang mixture hanggang 10-15 minuto. Tapos at magbanlaw kahit hindi na i-cleanse ang katawan gamit ang sabon.
Wow Tip#16:
Malamig ba sa office o school mo? Kung oo, malamang isa ka sa mga taong malimit naka-jacket o naka scarf. Alam mo ba na ang skin under garmets ay mas prone sa dryness? kaya kailangan mo din lagyan ng moisturizer o lotion ang batok at leeg mo kung malimit kang naka scarf o jacket na makapal.
Wow Tip#17:
Kulot ba ang buhok mo at madalas maging frizzy? Natural man na kulot o pinakulot lang, ang curly hair ay mas madaling maging dry at frizzy kesa sa straight hair. Ugaliing lagyan lagi ng serum o leave on at ayusin habang sinusundan ang pattern ng pagka kulot. Huwag ibahin ang natural waves nito dahil mas lalo laging magiging buhaghag ang hair do mo.
Wow Tip#18:
Alam mo ba na ang balat ng lips ay maikukumpara sa mantika dahil attractive ito sa init ng araw. Kaya ugaliin ang paglalagay ng lip balm, piliin yung may SPF dahil ang major major cause ng Lip discolorations o pangingitim ng paligid ng lips ay ang init ng araw. So, kung gusto mong pangalagaan ang iyong mga labi, huwag iiwan sa dresser ang Lip Balm.
Wow Tip#19:
Ang nude lip color ay laging IN at hindi nawawala sa uso, dahil natural ang dating nito at high fashion at the same time, patok ito sa mga hollywood at local celebd natin. Maaring ma-achieve ito sa pamamagitan ng pagpili ng concealer na tugma o kakulay ng iyong skin. I-apply ito sa lips gamit ang angled soft brush at siguraduhing pantay ang application. Lagyan ng Shiny Lip Gloss at ready na.
Wow Tip#20:
Ang kahuli-hulihang patak ng liquid foundation mo ay mahalaga. Huwag agad itapon ang empty liquid foundation tube dahil maari mo pang kayudin ang natitira nitong laman at ilagay sa aluminum foil o plastic cannister. Magugulat ka kung gaano pa ito karaming laman. Gumamit na lang ng brush o sponge para magamit uli.
Wow Tip#21:
Ang pagkuskos o rub ng iyong mga mata ay masama. Hindi lamang dahil sa inflammation na maari nitong dalhin, nakakaitim ng paligid ng mga mata ang pagkus-kos sakanila. Sobrang nipis kasi ng skin palibot ng ating mga mata kaya madaling mainflame ito pag lagi kinukuskos, rnagdedeposito ng excesss pigmentation sa mas manipis na area kaya ganon.
Wow Tip#22:
Wala talagang scientific na evidence para mapatunayan na ang cocoa butter ay nakaka-alis ng dark skin areas. Hindi sigurado kung kaya nitong ipantay-pantay ang iyong skin tone. Pero kung enjoy kang gamitin ito dahil lumalambot at mukhang mas hydrated ang skin mo dito, Go lang! Moisturizing din naman ang effect nito sa skin mo.
Wow Tip#23:
May super dry skin ka ba o eczema? Ang castor oil at Olive oil ay mabisang ingedients para malunasan ang mga sakit sa balat. Ilagay ito sa refrigirator at hayaang lumamig. Paghaluin lamang sila kapag gagamitin na, at ipunas sa iyong balat partikular sa mga dry areas.Maaring maligo pagkatapos ito i-massage sa skin.
Wow Tip#24:
Alam mo ba na ang pumpkin seed oil ay may extra moisturizing effect sa buhok, balat at mga kuko. Kung kailangan mo ng solusyon sa dry areas ng iyong katawan tulad ng scalp, cuticles, elbow at knees i-apply lang ang pumpkin seed oil sa affected areas ay ingatang huwag mabura for at least 10 mins.
Healthy Hair |
Relaxing! |
Wow tip#25:
Kaunting foundation is equals to mas natural na look. Ilublob sa tubig ang sponge applicator bago gamitin, pigain at lagyan ng liquid foundation at ipunas ng pantay sa iyong face. Sa ganitong paraan, magiging sobrang pu o na ng sponge para magabsorb ng foundation, mas even din ang pagaaply kung basa ang sponge.
Kaunting foundation is equals to mas natural na look. Ilublob sa tubig ang sponge applicator bago gamitin, pigain at lagyan ng liquid foundation at ipunas ng pantay sa iyong face. Sa ganitong paraan, magiging sobrang pu o na ng sponge para magabsorb ng foundation, mas even din ang pagaaply kung basa ang sponge.
Wow Tip#26:
Hirap ka bang pumili ng lipcolor na babagay sa iyong eyeshadow? Maaring gamitin ang eyeshadow o blush on na ginamit mo sa iyong mukha as lip color. Gumamit lamang ng flat angle brush, i-dip sa eyeshadow o blush on at i-apply sa lips, i-blend ang lip gloss kasama ang eyeshadow o blush on pigment. Viola! Meron ka ng instant at new lip color.
Wow Tip#27:
Necessity sa mga kababaihan ang pagaahit, sa legs, sa armpit o kung saan man. Pero bago ulitin ang pag shave, i-check kung may razor bumps at burns. Mas madali kasi itong mangitim kung hindi pa na-treat ang nakaraang razor burns. Itanong sa iyong Dermatologist kung ano ang fast-acting fade agent.
Wow Tip#28:
Maaring gawing habit ang pag kis-kis ng bloke ng yelo sa mukha tuwing umaga at bago matulog. Sa ganitong paraang, mas nagcicirculate ang blood floe sa iyong cheecks kaya ang resulta ay instant kaakit-akit glow! Ang lamig ng yelo pag dumampi sa iyong balat ay may soothing effect din at sinasara nito ang pores sa skin kaya less chances para sa mga bacteria-causing pimples.
Wow Tip#29:
Ang olive ayon sa mga greek ay miracle fuit. Miracle din ang epekto nito sa ating skin. Maging dry o oily, binabalanse nito ang PH level ng ating balat para sa nourishing effect. Maaring gawing lotion ang olive oil, safe din ito sa may mga sensitive skin.
Wow Tip#30:
Alam mo ba na ang garlic ay may strengthening ingredients na perfect sa nails? Kung problema mo ang mabilis magchip at mabali na nails, ikiskis ang dinurog na garlic sa iyong nails araw araw hanggang mapansin mo ang difference. Maaring di kanais-nais ang amoy nito ngunit proven ang herbal miracles na maaring maibigay sayo ng garlic.
Wow Tip#31:
Sa edad na 16 years old dapat ay regular mo nang ginagamit ang iyong moisturizer. Hindi lamang para maiwasan ang dry skin, kundi para ma-prevent ang wrinkles. Maaring magappear ang wrinkles in as early as 25 years of age! Kaya ugaliing iapply ang moisturizer sa mukha hanggang leeg in an upward circular motions para malift ang skin kesa hinihila mo pababa.
Wow Tip#32:
Ang cucumber ay magaling sa eyebags. Marahil ay narinig na natin ito pauli-ulit, ngunit kapag dumating na ang araw na sobrang pagod at stress ang mata, siguraduhing may pipino sa ref! Di maiiwasan ang puffy eyes lalo kung napuyat, kaya bago matulog, hiwain na ang cucumber at ipatong sa mga pagod na mata.
Wow Tip#33:
Ang lipgloss ay perfect ilagay sa lips kahit anong kulay ng iyong lip tint o eye shadow. Di naman kasi nakakabawas ng kulay ang pag-apply ng lip gloss over lip tint. Pinapatinkad pa nga nya ito actually. Kaya ugaliin ang pag apply nito kahit shiny shimmering lipstick pa ang drama mo!
Wow Tip#34:
Alam mo ba na ang Vaseline ay time tested na na magaling makaalis ng dark circles around the eye? Ilagay ito sa palibot ng iyong mga mata bago matulog. Ang Vaseline ay hindi lamang mabisang night moisturizer, effective din ito para maalis ang dark spots at blemishes na causes ng skin discolorations, mag-ingal lang dahil madaling maka stain ito ng bedsheets.
Wow Tip#35:
Tighter pores ba ang gusto mo? Gamitin ang egg whites as facial mast twice a week mas mainam sa gabi. Maganda ang itlog sa skin dahil mayaman ito sa vitamin E at nagpepenetrate ang viatmins nito sa skin pagka ginawang facial mask. Resulta ay ang nourished fez!
The more tips the merrier!
ReplyDelete