Mga beauty tips na di mo akalain!

"Alam kong weird, pero totoo" iyan marahil ang iyong sasabihin matapos mong basahin at gawin ang mga beauty tips below:


1. Kapag medyo naging greasy o oily ang hairline mo, dahil maiinit o dahil hapon na. Maaring kumuha ng round brush at i-dip sa loose powder tulad ng talc o baby powder at i-dust sa hair roots. Maabsorb nito ang excess oil at mababawasan ang oilyness ng scalp. Maaring gawin ang trick na ito kung walang time magshower, walang makakaalam dahil nagbeblend naman ang powder sa scalp.


2. Gusto mo bang tumagal ang scent ng iyong cologne o perfume? maaring i-spray ito sa iyong hair brush bago gamitin. Ang buhok kasi natin ay mabilis kapitan ng fragrances at matagal maalis ito sa hair. Kaya kung ibubrush ito from time to time, laging fresh ang scent mo all day.


3. May problema ka ba sa makakapal na kalyo sa mga paa? Maaring i-massage ito with petroleum jelly, damihan ang amount na ilalagay sa mga paa partikular sa makakapal na kalyo at balat sa talampakan. Magsuot lamang cotton na medyas bago matulog para ma-lock ang moisture. Mafefeel mo na nagsoften kahit papaano ang mga kalyo at mas madali itong tangalin using callous tapes.


4. Madalas ka bang nagmamadali habang nagmamake-up? Maglagay ng make-up remover sa isang cotton swab at itrace lamang sa area na may slip ons at traces ng make-up na hindi pantay tulad ng eye-liner o mascara. Quick fix ito sa mga nakakainis na uneven lines ng iyong eye liner.


5. Namumula ba ang mukha mo matapos mong pagpawisan galing sa gym o pagkatapos ng game? Kung hindi mo gusto ang iyong hitsura kapag pulang pulang, maaring uminom ng isang kutsarang anti-histamine. Ang redness kasi ay dulot ng blood circulation na na-titrigger matapos gawin ang isang physical activity. Hindi ito sign ng health-deficiency o dehydration.


6. May problema ka ba sa rough at dry skin? Avocado ang sagot dyan. Alisin ang buto ng avocado at ihiwalay sa balat, at durugin hanggang maging creamy ang texture. Ipunas ang mashed avocado sa balat at iwanan sa balat for 20 minutes. Pagkatapos ay hugasan using warm water, mapapansin na mas moisturized ang balat.


7. Kapag naputol ang nail ay hindi ibig sabihin ay kailangan na itong gupitin at bye-bye long nails na. Gumamit ng super glue para sa quick-fix, pumili lamang ng opaque para hindi masyadong halata at saka mag-apply ng nail polish. Maari rin namang tapalan ng tea bag paper para mas matibay.


8. Uneven skin tone ba ang problema mo after tanning? Gamitin ang baking soda as body scrub at solve na ang p[roblema mo. Maaring gawin ito anytime na napapansin mo na dull at kulang sa glow ang iyong skin. Ang baking soda kasi ay mabisang cleansing agent na hindi harsh sa balat.


9. Ang tooth paste ay mabisang remedy sa namamaga at malaking tighiyawat. Hindi nito inaalis at tinutuyo ang tighiyawat, binabawasan lamang nito ang redness dahil inaabsorb niya ang oil sa namamagang pores. I-dab ang toothpaste sa zit kung kinakailangan at hayaan for 15 minutes saka hugasan using mild wash.
Cute hand soaps na pwede din pabango ng closet




10. Alam mo ba na ang sabon ay maaring pabango ng closet? Kung meroon kang maliliit at mababangong sabon na nakakahinayang gamitin dahil cute ang shapes at colors nito, itago mo nalang sa iyong closet of undies para laging clean at fresh ang smell ng iyong mga damit.

Comments

Popular Posts