Skin Spoilers na hindi dapat gawin
Matulog ng may make-up pa.
Alam mong masama ang habit na matulog ng hindi nag-aalis ng make-up, pero hindi mo maiwasan dahil pagod na pagod ka na at gusto mo na lang mahiga at matulog. Maaring maging sanhi ng breakout at pimples ang ganitong habit. Bumili ng skin cleansing wipes at ilagay sa bedside table, kung gusto naman ay cleansing solution na lang tulad ng cetaphil. Makaktulong na ilagay ang iyong skin care products sa tabi ng iyong kama o kung saan makikita sila bago matulog para maipa-alala sa iyong sarili na kailangan mong alisin ang make-up bago matulog.
Huwag ugaliin matulog ng make Make-up |
Paglilinis ng sobra sa facial skin.
Meroong mga babae na bukod sa daily facials gumagamit pa ng scrubs araw-araw at microdermabrassion kits linggo-linggo! Huwag gawing kaldero ang mukha at iwasang gamitin ang mga cleansing products na ito mas madalas kesa sa recommended usage. Sa ganitong paraan, makakaiwas sa irritation at hindi mauubos ang natural oils ng skin. Ang natural oils ay pino-protektahan ang balat sa sun damage at pinapatagal ang ageing process ng skin.
Pagkain ng mga maling pagkain.
Hindi naman kailangan ng perfect diet para sa magandang kutis, kailangan lang ay well-rounded diet. Hindi makakatulong ang crash dieting o pagpili ng mga instant foods kesa sa whole grain foods, fruits at mga gulay. Ang paminsan-minsan na sweets ay okey lang, ngunit kailangan mo parin ng prutas, gulay at meat para hindi kulangin ang katawan sa essential nutrients at vitamins na naibibigay ng pagakain.
Paninigarilyo.
Ang mga kababaihan ay mas prone sa wrinkles, at ang paninigarilyo ay dinaragdagan ang chances para sa mga kababaihan na magkaroon ng wrinkles. Ang pagyoyosi kasi ay binabawasan ang flow ng oxygen sa katawan na nagreresulta ng pagdami ng free-radicals na nagdadala ng wrinkles at fine lines sa balat. Kung ayaw mong magmukhang matanda kesa sa totoo mong edad, iwasan na muna ang yosi.
Hindi pagtulog sa tamang oras.
Ang hindi pagtulog sa tamang oras, o kulang sa recomendadong 7 oras ng pagtulog ay nag tritrigger sa ating katawan na magproduce ng stress hormones. Ang impact nito ay sa skin sa paligid ng mata at pagka-dull ng skin. Maari ring maging sanhi ng sakit ang stress. Kung hindi makatulog sa sobrang busy, ugaliing patayin ang laptop o cellphone 1 oras bago matulog. Ang mga ilaw na pinoproduce kasi nito ay pinapatay ang melatonin sa katawan. Ang melatonin ang Sleepy Hormones na nilalabas ng katawan kapag gabi.
Yo-Yo Dieting.
Ang yo-yo dieting o crash dieting ay delikado, dahil hindi permanenteng nawawala ang extra weight. Maaring bumalik ito, ma-gain at ma-loose mo ng paulit-ulit. Hindi maganda ang epekto nito sa balat dahil nababawasan ang elasticity ng skin at nadadagdagan ang stretchmarks at tiny lines sa fatty areas ng katawan. Sa halip ay mag aim pumayat ng pakonti-konti pero steady, makakatulong ang cocoa cream at coconut oils para maiwasan ang sagging skin at stretchmarks.
Maling paniniwala sa Acne.
Maaring hindi acne ang problema mo kundi rosacea. Ang rosacea ay skin condition na parang mga tighiyawat na lumalabas lamang kung ikaw ay pinagpapawisan, kumakain ng maang-hang, uminom ng alcohol o stress. Kadalasan, lumalala ito kung gumamit ka ng products na may benzoyl peroxide, glycolic acid and retinol- mga ingredients na gamot sa common acne. Makakabuting makipag-appoint sa inyong dermatologist kung feeling mo ay may rosacea ka.
Sobrang Trabaho.
Ang sobrang pagtratrabaho ay kumakain ng oras mo para makipagsaya sa kapamilya o sa mga kaibigan. Limitahin ang trabaho kapag weekends at ibigay sa sarili ang kasiyahan na hindi lamang maganda sa katawan kundi pati sa balat. Kapag less kasi ang stress less din ang gastos sa anti-ageing creams at facials. Ang stress kasi ay pinapahina ang protective barriers ng skin against sa mga pollutants, UV rays at harmful chemicals na sanhi ng wrinkles, fine lines at skin irritations.
Comments
Post a Comment