Solusyunan ang Hairfall
Ang Hair Fall ay natural na proseso sa pagtanda. Lahat ay nakakaranas nito lalo ang mga babae. Mas madalas mag hairfall ang mga babae kesa sa mga lalaki, bagama't ang pagkapanot o Androgeneous Alopecia ay maaring hereditary, ang Hair Fall naman ay maaring pansamantala lang na dulot ng hormonal change, stress, pregnancy, panganganak o harmful chemicals, Narito ang ilang tips para masolusyunan ang problema sa hairfall.
Sobrang Hair Fall? |
- Alamin ang sanhi ng Pagkalagas ng Buhok. Ang Stress, Panganganak at HArmful chemicals ay ilang factors na nakakaapekto sa ating buhok. Iwasan ang stress kung ito ang dahilan. Kung nanganak ka naman, hayaan lamang at lilipas din ito, Kung harmful chemicals ang sanhi, iwasan muna ang kahit anong treatments at mag-stick sa natural hair care remedies.
- Iwasan ang crash dieting. Ang crash diets ay nagiging sanhi ng hindi balanseng vitamins at minerals sa ating katawan at maaring maka-apekto sa tubo ng ating buhok. Siguraduhin na ang diet at mayaman sa Vitamin B comples, Iron, Protein at Zinc. Tandaan na ang Hindi balanseng nutrition ay hindi lamang sa buhok nakakasama kundi sa pangkalahatang kalusugan natin.
- Iwasan ang Madalas na Hair Treatments. Kung fan ka ng hair dyes at Hair straightening, bigyan ang buhok ng kaukulang pahinga. I-minimize ang hair treatments sa 1-2 beses sa isang taon para mabigyan ang buhok ng natural na bagsak at buhay. Meroon namang mas natural na hair treatments tulad ng Keratin o Cellophane na maaring i-try kung hindi maiwasan ang pagpunta sa saloon.
- Subukan ang mga anti-hair fall shampoo. Piliin yung mga shampoo na meroong natural ingredients tulad ng saw palmetto dahil ito ay kilala na DHT Inhibitors. Ang rosehip, aloe vera, coconut oil at evening prime rose ay kilala rin na nakaka-pag pakapal ng buhok. Iwasan ang kahit na anong hair products na may sodium sulfate, ito kasi ay masama sa buhok dahil pinaninipis nito ang strands. Kung fine ang buhok mo, mas lalong iwasan ang sulfates.
- Kung wala pa rin tumalab at sinubukan mo na lahat ng paraan, kumonsulta na sa espesyalista. Ang dermatologist, gynecologist at endocrinologist ay maaring makatulong kung ano talaga ang pinagmumulan ng problema mo sa buhok. Ang iba ay kumokonsulta sa Trichologist dahil sila ay specialist sa Hair and Scalp.
Comments
Post a Comment