Mga beauty tips na swak sa bulsa!
1. Ang Conditioner ay meroong halos parehong moisturizing effect ng shaving cream.
Alam mo ba na kapag naubusan ka ng shaving cream, maaring mong gamitin na substitute ang conditioner? Meroong halos same moisturizing effect ang conditioner na hindi naman makakasama sa skin mo. Sa katunayan, nagiiwan ito ng sheer film sa skin para maprotektahan ang balat through sahving.
Galing dito ang larawan |
2. Ang Cinnamon at Honey ay maaring gawing home-made facial masks.
Ang Cinnammon at Honey ay hindi lamang mabango at masarap na ingredients na pupwede sa ating hapag kainan. Maari rin itong paghaluin at gawing facial mask. Ang honey ay may moisturizing effect habang ang cinnamon ay may soothing effect na perfect para sa mga minor breakouts at mild skin rashes.
3. Pahabain ang buhay ng iyong razor blade sa pamamagitan ng petroluem jelly.
Hindi kaila na mahal ang mga razor blades ng iba't-ibang brand ng pang-ahit, lalo na yung dekalidad. Makakatipid ka kung aalagaan mo sila. Patuyuin ng ayos ang razor blade ng iyong pang-ahit pagkatapos gamitin at punasan ng konting petroleum jelly. Sa ganitong paraan maaring maiwasan ang pangangalawang at biglaang pagpurol ng blades nito.
4. Subukang mag-aral kung papa-ano mag trim ng sariling buhok.
Makakatipid ka kung babawasan mo ang regular na pagbisita sa mga salon. Magaral ng proper trimming ng buhok, madali lamang ito at maraming online resources na maaring gawing gabay. Pag-aralan kung paano mag-gupit ang iyong hairdresser, kung maliit lamang na parte ng buhok mo ang kailangang ibawas, maaring ikaw na lamang ang gumawa.
5. Matuto kung paano maglinis ng kuko sa kamay at paa.
Ang pedicure at manicure sa mga salon ay nagiging mahal na, kung hindi kalabisan sa iyong oras maaring mag-aral kung paano maglinis ng mga kuko. Hindi kailangan expert ang dating ng iyong manicure at pedicure lagi-lagi. Kailangan mo lamang ng maayos na tools tulad ng nipper, nail cutter at nail file upang makatipid sa saloon visits.
6. Ang petroluem jelly ay maaring maging effective make-up remover.
Totoong mahal ang mga make-up remover lalo na kung branded. Maaring i-substitute ang petroluem jelly kung naubusan ka, medyo mainit lang ito sa skin pero parehas din ang bisa. Pati eye make-up ay kaya nitong tanggalin, kumuha lang ng soft tissue o cotton swabs para ipunas sa mukha ang petroluem jelly. Maghugas ng mukha pagkatapos.
7. Ang sea salt ay epektibong pang-tanggal ng dead skin cells.
Ang sea salt ay mabisang exfoliator, meroon itong minerals na maganda sa balat. Kumuha lamang ng handful at ikis-kis sa skin habang naliligo at basa na ang balat. Daha-dahang i-scrub sa buong katawa at hugasan. Huwag nang magsabon, at ipagpaliban na ito sa susunod na paliligo para mas ma-absorb ang minerals ng skin.
8. Ang baking soda ay epektibo na alternatibo sa toothpaste.
Mahal ang toothpaste lalo na kung may pinapangakong effect. Ang baking soda ay kasing effective din naman ng toothpaste at maaring gamitin sa pamamagitan ng toothbrush. I-dip lamang ang toothbrush sa baking soda at i-brush sa basang mga ngipin. May whitening effect din ito at anti bacterial action.
9. Nag-dry na ba ang buhok mo dahil sa mga gels, oils at creams na ginagamit mo araw-araw?
Ang paggamit ng kung ano-anong hair products araw araw ay nagiging sanhi ng product build up sa buhok at maaring maging dry at hindi smooth ang bagsak ng buhok. Gumamit ng baking soda, i-mix lamang ang 1 cup ng baking soda sa .5 cup ng tubig hanggang maging pasty at iapply sa buhok. Iwanan for 5 minutos at banlawan, i-spray ang konting amount ng vinergar at muling banlawan ang buhok. Pagkatapos ay mag-conditioner.
10. Ang dry na mga paa at kamay ay maaring masolusyunan gamit ang olive oil at brown sugar.
Ihalo ang 1 kutsarang brown sugar sa 1/2 kutsarang olive oil hangang maging pasty ang texture. Ipunas na mga kamay at paa na parang iniiscrub mo sila. Pagkatapos ay hugasan ng malamig na tubig. Mapapansin mo na lalambot ang iyong hands at feet kahit hanggang kinabukasan, effective talaga ito dahil moisturizing pareho ang brown sugar at olive oil.
okay lang bang gumamit ng baking soda sa buhok kahit rebonded na?
ReplyDeletekailangan ba araw ang paggamiit ng olive oil at brown sugar.?
ReplyDelete