Mga kasuotan na nakaka-payat!

1. Malaki ba ang iyong puson? Loose top lang ang sagot dyan.
Kung gusto mong maitago ang malaki mong puson, magsuot ng loose top. Pumili nung meroong mga soft at flowing fabric, yung tipong babagsak sa katawan kapag isinuot. Tapos partneran ng tight jeans o jeggings at magsuot ng high heels para sa extra added sexiness. Makakatulong din ang large chunks of jewerly tulad ng wooden beads at bracelet.


2. Peplum tops lang ang sagot kung gustong maitago sa outfit ang malaking tiyan.
Ang Peplum tops ay yung may cuts sa midriff. Flare away sa midsection ang mga styles nito, pumili lamang ng dark colored tulad ng browns at black. Pagkatapos ay i-pair sa printed pants, piliin yung may malalaking prints para ma distract ang attention sa iyong upper body. 


3. Ang high waist skirts ay hindi pang-sexy lamang perfect ito sa may tummy buldge.
Ang high waist skirt ay nagbibigay ng ilusyon na maliit ang beywang at nagbibigay ng instant curve sa katawan. Pumili lamang ng dark colored tulad ng navy blue at black. Fun, colorful tanks ang i-pair sa high waist skirt at magsuot ng high heels para sa instant A-ttitude!


4. Ang dress na bagay sa tummy problems mo ay yung mga double layered dress.
Ang mga double-layered dress ay tinatago ang problem areas tulad ng puson. Pumili ng merong mga neutral colors tulad ng beige, light yellow at light browns. Ang mga matching accessories tulad ng pearls, beads at malalaking pieces ng singsing ay babagay.


Double Layered Dress




5. Ang wrap around dress ay mainam para maitago ang extra pounds kung bigla kang tumaba.
Kung tumaba ka ng hindi inaasahan, pumili ng dress na maitatago ang extra tummy buldge. Yung mga wrap around dresses ay kayang itago ang extra pounds dahil sa cut at style nya. Magsuot ng colorful dangling earings para mas mapansin ang face kesa sa katawan at sabayan ng high heels.

Comments

Popular Posts