Eleven beauty tips na truelaloo!

1. Kahit nasa bahay lang at walang pupuntahan, siguraduhing laging maayos ang buhok.
Siguraduhing laging maayos ang hair kahit na sa bahay lang, ang mga kababaihan ay madalas hinahayaang magulo ang buhok lalo kung walang pupuntahan. Importante na hindi pabayaan ang itsura kahit nasa bahay lang.


Galing dito ang larawan.
2. Iwasan ang pagsusuot ng sira-sirang damit kung stay at home ka o maybahay.
Kadalasan kung home based ang ating trabaho o kaya housewife, hinahayaan nating magsuot tayo ng lumang damit na halos mapunit na. Iwasan ang ganitong gawain dahil kahit nasa bahay lang, importante na presentable kang haharap sa mga mahal mo sa buhay.


3. Importante ang Hygiene araw-araw at oras oras, hindi kung may lakad lang.
Kasama ang pagiging mabango 24/7 sa good hygiene. Panatilihin ang maayos na hygiene sa pamamagitan ng paliligo araw araw at pagamit ng cologne. Hindi naman kailangang may lakad lang para manatiling mabago at malinis.


4. Ang salamin ay hindi pang- kwarto at gagamitin lamang kung may okasyon o lakad.
Maganda na may salamin sa iyong sala at kusina para mayat-maya ay makikita mo ang iyong sarili at malalaman mo na kailangan mo na ng hilamos at suklay. Ugaliing magdala rin ng handy na salamin kung lalabas ng bahay. Importante ang appearance para sa isang tao, dahil ito ang unang hinuhusgahan saatin.


5. Ang good posture ay mahalaga, dito makikita ang pagdadala sa iyong sarili.
Kadalasan nakaka-turn off ang kuku-ba kuba na posture. Mahalaga na laging panatilihin ang kaaya-ayang tindig. Dahil dito makikita ang ating outlook sa buhay.


6. Ang yelo ay magandang alternatibo sa make-up at moisturizer, para sa natural glow.
Tuwing umaga pagkagising, ugaliing magkis-kis ng yelo sa cheecks. I-rub ito paikot ng mukha , ang ganitong technique ay nakakadagdag ng natural glow ng ating aura. Bukod pa dito, mas nagigng tight ang pores sa pamamagitan ng yelo.


7. Ang mosturizer tuwing gabi ay meroong magical long term effect.
Long term effect ang paglalagay ng moisturizer tuwing gabi ay hindi magical ang promise! Long term talaga ang effect nito at mapapansin mo na lang na hindi ka prone sa wrinkles at blemishes over time. Unti-unting sinasanay ng moisturizer ang iyong face na maging hydrated at smooth.


8. Ugaliin ang pag tone down ng make-up lalo na kung hindi formal event ang pupuntahan.
I-tone down ang make up lalo na kung hindi naman tayo pupunta sa isang big time formal event. Kung maarin huwag ng magmake up kung nasa bahay lamang. Ang makeup kasi kahit organic o hypoallergenic ay may compound na hindi maganda sa skin kapag tayoy pinagpawisan. Mas maiisave mo ang iyong skin sa wrinkles kung hinay-hinay lang sa maekup.


9. Matutong mag align ng acessories, gamitin sila ng tama at naayon sa pupuntahan.
Ang pagsusuot ng accessories ay ginagawa accordingly, piliin ng ayos ang mga ito at ibagay sa pupuntahan at kasuotan. Hindi porket maganda ang iyong brooch isusuot mo ito sa iyong top kahit hindi naman bagay.


10. Ang mga salita at compliments galing sa kaibigan at pamilya ang best beauty secret.
Ang mga magagandang compliments galing sa kaibigan, pamilya o special someone ang pinaka magandang formula para maging maganda all day. Baunin ang mga kind words nila for more confidence! Ang mga compliments na iyo ang magboboost sa iyong confidence at appeal!


11. Ang Bag ay kasing halaga ng anumang accessory kasabay ng outfit, pumili ng naayon.
Ang bags ay parte na ng ating outfit. Pumili ng functional kahit hindi mahal. Hindi porket uso ay kailangan mong bilhin, alamin muna kung saan mo ito gagamitin at kung tatagal ba ito. Maging matalino sa pagpili ng bags dahil kasing halaga ito ng mga sapatos.

Comments

Popular Posts