Mga paraan para pumayat ng walang gastos at walang hirap!

1. Ang gulay at prutas ay kinakailangan ng katawan, kumain ng konti everyday.
Kumain ng mahusay sa pamamagitan ng gulay at prutas na sariwa. Ang pagkain ng maliliit na portions ay mas mainam kesa sa isang boung meal. Huwag ugaliing kumain habang nagluluto o kainin ang mga tita-tirahan na pagkain dahil nanghihinayang kang masayang lamang ang mga ito. Kumain ng agahan araw-araw, gawin lamang light tulad ng salads at fresh fruits.


Pagakaing mayaman sa saturated fats: Galing dito ang larawan


2. Ang meat at poultry inatke ay hindi dapat lalampas sa 3 oz. a day.kada isang araw.
limitahan ang iyong meat, fish at poultry intake ng hindi lalampas sa 3 ounce per day. Sa laki, panatilihin ang cuts na sing laki ng playing cards para hindi sumobra sa intake. Piliing makinig na lamang ng radio habang kumakain kesa nanonood ng TV habang kumakain, kapag nanonood ka kasi ng TV hindi mo mamamalayan ang kinakain mo at baka sumobra ka.


3. Iwasan ang pagkain ng matatamis na deserts lalo na yung may mga sugar at syrup.
Kapag kumakain sa labas kasama ng pamilya o kaibigan, kumain ng mas maraming salad para mawala ang iyong apetite sa desert. Ibahagi ang iyong desert sa iyong kaibigan na kasama mong kumain, o kaya madaliing ipa-take out at ipabalot.


4. Gumamit ng low salt brooth sa halip na mantika o butter sa pagluluto para iwas fats.
Ang sobrang saturated fats ay nakakasama sa katawan, ang butter at cooking oil ay punong-puno ng ganitong klaseng fats. Kaya imbis na ito ang gamitin sa pagluluto, gumamit na lang ng Law-salth broth cubes para sa flavor at teflon pan para non-stick.


5. Uminom ng isang basong tubig bago kumain ng full meal, makakatulong para pumayat.
Ang paginom ng isang basong tubig bago kumain ng full meal ay makakatulong para mabawasan ang ating appetite lalo na sa mga matatamis at nakakatabang pagkain. Uminom ng plain water bago kumain ng meal at mapapansin mong hindi ka gaanong magcracrave kumain ng mabibigat sa tiyan na pagkain tulad ng pasta at rice, mag-focus na lamang sa salads at side entrees.


6. Pumili ng healthier alternative-menu pag nasa fastfood para makaiwas sa fats.
Ang saturated fats ay common sa fast food menu dahil sa paraan ng pagpreprepare nito. Kadalasan deepfried ang mga pagkain dito kaya naman sobrang unhealthy talaga. Kung hindi maiwasan ang fast food trips, pumili na lang ng healthy versions tulad ng grilled chicken, vegetable salad, at mixed friuts. Iwasan ang mga burgers at fries dahil hindi ito makakatulong sa wasit line mo.


7. Mag-exercise sa ibat-ibang paraan kahit busy ka lagi sa bahay at trabaho.
Ang pageexercise ay kasing healthy at vital ng pagkain ng tama. Kung busy ang schedule mo narito ang ilang tips para makapag-exercise ka pa rin: Maghagdan imbis na elevator kahit hanggang 5th floor lamang. Maglakad everyday habang nagcocommute, kung maaring huwag na magtrycycle, maglakad na lamang. Makakatipid ka pa. Gawing family bonding ang local fitness clubs sa halip na malls. Kung regular na lumalabas kasama ang pamilya tuwing weekends, piliin ang mga clubs kung saan maraming activities para sa pamilya kesa pumasyal sa mall na maraming temptasyon na fast food.


8. Limitahan ang pagkonsumo ng diary products tulad ng itlog,butter at cheese.
Ang dairy products ay mataas ang cholesterol contents. Iwasan ang pagkain nito hanggat maari, mag bake sa halip na fried. Mixed vegetables sa halip na eggs at yogurt sa halip na cheese. Ang pagbawas ng pagkain ng mga ito everyday ay makakatulong hindi lamang sa pagpapa-payat, kundi sa overall health condition mo.

Comments

  1. http://GetPaid4duty.com/?rid=83622

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Tama po ba ang pagkain ko ng oats meal sa maghapon upang makaiwas ko ang sobrang pagkain ko po nh rice

    ReplyDelete
  4. Un DN gingwa KO oatmel s umga Ewan KO LNG kung mkkatulong yn para pumyat

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts