Tips para sa sosyal na home-made pedicure!

1. Hindi lamang babae ang nangangailangan ng pedicure kundi pati mga kalalakihan kailangang panatilihin ang malinis na mga kuko sa paa.
Ang pedicure ay mahalagang parte ng hygiene ng isang tao, kahit isang beses sa isang buwan kailangan ng pedicure treat kahit sa isang mumurahing spa o salon lamang, kung wala ka talagang time, maaring bumili na lang ng pedicure at manicure set para sa bahay ka na lamang maglinis ng mga kuko. Maglaan ng kahit 30 minutos para makapaglinis ng kuko sa bahay, panatilihin lamang malinis ang mga nipper, nail cutter at pusher pagkatapos gamitin para tumagal ang buhay ng mga ito.


2. Ang pagbababad ng paa sa maligamgam na tubig bago mag pedicure magisa sa bahay ay makakatulong para mas malinis ng maayos ang mga kuko.
kumuha ng isang meduim sized basin at punuin ng maligamgam na tubig, ipatong lamang sa twalya o basahan para maiwasan ang pagtapon ng tubig sa kwarto. Ibabad ang mga paa ng at least 15 na minutos. Siguraduhin lamang na naalis mo na ang mga nail polish sa iyong mga kuko. Maaring lagyan ng natural oils tulad ng chamomile o lavander para ma-relax at ma-nourish ang mga paa. Sa ganitong paraan mas malambot na ang skin palibot ng mga kuko at mas madali para sayo na linisin ang iyong mga kuko sa paa.


3. Siguraduhing safe sa skin ang mga essential oils kung pipiliin mo na maglagay sa iyong home-made foot soak, ang eucalyptus at tea tree oil ay siguradong safe.
May mga essential oils na maaring mag react sa skin kapag naibabad ng matagal kaya pumili ng oils na alam mong safe para saiyo. Ang eucalyptus, lavander at tea tree oil ay bihirang maka-cause ng allergic reactions kaya safe silang gamitin at ihalo sa foot soak. Huwag lamang patagalin masyado o painitan ang foot soak mo.


4. Kapag tapos na ibabad ang iyong mga paa, alisin muna ang tubig at patuyuin ang mga paa bago gupitin ang mga kuko.
Makakatulong na punasan ng maayos ang iyong mga paa pagkatapos ibabad sa ating home-made foot soak. Gupitin ang iyong toe nails ng naayon sa iyong toe shape. tanggalin ang cuticles gamit ang nail brush, hindi mo kailangan gumamit ng nipper kung hindi naman makapal ang dry skin palibot ng iyong mga kuko. Lalo lamang kakapal at titigas kung iyong gugupitin ang dry skin sa iyong mga paa. Mas mainam kung hahayaan mo sa mga experto ang ganitong paggawa.


5. Ang pumice stone ay mainam pangtanggal ng scaly skin sa paa at dead skin cells, maaring gumamit rin ng foot file para mas madaling gamitin.
Ang pumice stone ay mainam pangtanggal ng dead skin cells lalo na sa talampakan kung saan matigas at makapal talaga ang skin, ngunit ang sobrang pag-scrub ay maaring magdullot ng pamumula at sensitivity ng talampakan kaya hinay-hinay lamang sa paggamit. Ang mga nabibili na foot file sa mga health and beauty outlets ay mas madaling gamiting dahil designed sila para doon, mas mahal lamang ng kaunti.


6. Ang orange stick ay makakatulong para mai-push ang cuticle at maiwasan ang lalong pagkapal nito, parte talaga ng pedicure ang pagtanggal ng cuticle.
Gumamit ng orange stick para maitulak ang cuticles sa iyong toe nails. Kung hindi naman makapal at napakatigas ng iyong cuticles walang dahilan para gupitin sila gamit ang nipper. Mas mainam kung made of wood ang stick na gagamitin para makaiwas sa sugat at nail damage.


7. Ang cuticle cream ay kinakailangan i-apply pagkatapos maglinis ng mga kuko sa paa dahil minomoisturize nito ang skin sa paa matapos linisin ng maigi.
Ang paglalagay ng cuticle cream ay mahalaga matapos magpedicure. Kung hindi available ang cuticle cream kahit hand and body lotion ay okay na basta maibalik ang moisture na nawala sa skin ng iyon mga paa matapos ang mainam na paglilinis. Pumili ng odorless o yung may mild scent para maiwasan ang rebound sa odor formation. Siguraduhing nalagyan lahat ng area sa paa pati ang mga sulok at pagitan ng mga daliri at ang legs hanggang tuhod.


8. Ang Toe separator na gawa sa rubber o cotton wool ay makakatulong ng malaki sa pagaaply mo ng nail polish sa iyong mga kuko sa paa.
Ang pagaaply ng nail polish sa p[aa ay mas madali kesa pag-aaply sa kamay, mas mapapadali pa ang trabaho kung gagamit ng toe seperator. Siguraduhin lamang na gawa sa rubber at soft material ang gagamitin para hindi masakit sa paa. Lagyan ng base coat ang mga kuko bago lagyan ng nail polish at saka lagyan ulit ng colorless coat after para huwag mag-chip ang nails.


9. Pumili ng nail tint na babagay sa lakad mo, kung meron. Kung wala mag-stick na lamang sa neutral shades at tint tulad ng browns at greys.
Ang nails ay madalas reflection ng ating fashion sense at style katulad rin ng make-up at pananamit na pinipili natin. Kung wala namang mahalaga at sophisticated na event na pupuntahan, magstick na lang sa neutral shades para babagay sa everyday wear at hindi kinakailangan mapadalas ang pagpapalit ng nail polish mo. Karamihan pa naman ng nail polish ngayon ay  long-lasting at kapag tinaggal mo ay kailangan mo uli ng pedicure.


Toe seperator: Galing dito ang larawan




10. Ang pedicure ay kailangang regular na ginagawa dahil hindi kaaya-aya ang madumi at mahahabang kuko sa paa.
Responsibilidad natin kasama ng ating overall personal hygiene ang paglilinis ng ating mga kuko sa paa. Kung gaano tayo kalinis at ka-metikuloso sa ating kasuotan ay sana ganoon din sa ating mga kuko dahil parte rin ito ng ating katauhan. Kung paano natin gustong makilala ng ibang tao, mahalaga na maganda at malinis ang i-portray natin sa panglabas na kaanuyuan.



Comments

Popular Posts