Mga Prutas na nakakaganda!

Fresh Blueberries

1. Habang tinatangkilik natin ang mga napaka mahal na anti inflammatory drugs sa mercado, katulad ng steriods. nakakalimutan natin na ang nature ay binigyan tayo ng fresh source sa mainam na gamot sa skin allergies, pimples at kung ano ano pang pamumula at inflammation sa balat. Ang Blueberry ay isang rich source ng anti oxidants. Meron itong phyto nutrients na magaling ring para ma boost ang ating immune system. Bukod sa anti cancer at anti dimentia na effect nito sa ating kalusugan, Alam mo ba na ang blueberry ay may kakayahang labanan ang free radicals, radiation at excitotoxicity, ang mga chemicals na ito na nakukuha ng ating katawan ay nagdudulot ng ng skin aging at ibat ibang cognitive related diseases. Ang pagkain ng berries sa araw araw ay malaki ang maitutulong sa ating katawan.

2. Ang Carrots ay hindi lamang magandang source ng Vitamin A na alam nating maganda para sa ating paningin. Ang Carrots ay meroon ding beta carotene na Maganda sa balat. Ang beta carotene kasi ay nagaabsorb ng Harmful UV rays na galing sa init ng araw, kaya kung gusto mo ng healthy glow, idagdag ang carrots sa iyong daily meals. Hinay hinay nga lang, dahil kapag sumobra ka sa kakakain ng carrots, magiging orangish ang skin tone mo, huwag kumain ng carrots for a few weeks para bumalik ang natural skin tone mo. At bukod sa glowing skin na maibibigay ng carrots napagaralan din na meroong polyacetylenes ang carrots, ito ay itinuturing na colon cancer fighting cells.

Hinog na papaya

3. Alam mo siguro na ang Papaya ay nakakaputi, dahil iyon ang kadalasang naririnig at nakikita natin sa mga patalastas. Pero bukod sa pampaputi ito ay meroong antioxidants na napakahalaga sa skin para labanan ang premature wrinkles. Ang Papaya ay nakaka hydrate din ng skin kaya bye bye dryness sa one serving of papaya a day diet. Ang anti oxidants rin na matatagpuan sa papaya ay mahalaga para ma rejuvenate ang iyong stressed aura. Sinasabing pampaputi ang papaya dahil maganda itong exfoliants, in a way nirerenew nya ang skin cells natin at meroon din itong restorative properties na papain kaya imposibleng masobrahan ang epekto ng papaya sa skin mo kung natural mo itong gagamitin at walang chemical na ihahahalo. Ang Vitamin, A, E at C naman na meroon din ang papaya ay tumutulong sa skin para maging mas clear at healthy ang iyong complexion.

4. Marahil hindi ganoon ka common sa Pinas ang Flax seeds. Ito ay maliliit na butil na kamukha ng sesame seeds, nabibili ito saatin kadalasan sa health speacialty stores dahil hindi ganoon kadami ang nag mamarket ng ganitong uri ng pagkain. Ngunit napakarami ng skin benefits nito, partikular kung meroon kang kaso ng dermatitis at iba pang hormonal related skin problems. Ang buhok, kuko at balat ay pareparehong binubuo ng keratin. At ang keratin ay hormonally controlled, kaya ang hormonal disorder ay makikita agad sa balat, buhok o kuko. Ang Omega 3 at 6 ang pinagmamalaki ng flax seeds, ito ay natural oils na hindi pinoproduce ng ating katawan ngunit mahalaga para sa normal skin at body function. Sa katunayan ang kakulangan sa ganitong natural oils ay maaring magdulot ng eczema o dermatitis. Maari mong iapply directly sa iyong skin ang flax seed oil ngunit maari ring ihalo ito sa iyong diet. Ang Flax seeds ay kinokunsumo ng hindi niluluto at dapat itinatago sa dark container dahil mabilis mawala ang anti oxidant capabilities nito.

6. Popular ang Cucumber sa Pinas at mabibili ito sa reasonableng halaga, kaya maari mo itong kainin araw araw. Ang Cucumber ay may Silica contents na mabisang pangalis ng dark circcles sa iyong mga mata, makikita mo agad ang effect nito in 5 to 10 minutes na paggamit. Meroon di itong ascorbic acid na maari mong igamot sa pagod at stressed mong mga mata, in an instant mahahydrate ang surrounding skin ng iyong eyes at instant glow ang kapalit. Alam mo rin ba na hindi ka magkaka freckles kung mahilig ka sa pipino. Maari rin itong gamot sa sunbirn dahil sa hydrating effect nito sa balat. Excellent toner din sya kung igegrate at ihahalo sa 1 tbsp na apple cider vinegar, 1 patak na egg white, honey at aloe vera. Instantly magiging tight ang iyong pores.


Comments

Popular Posts