Skip to main content
Mga natural ways para magpa-ganda!
|
Galing Dito ang larawan |
- Iwasang matulog ng nakadapa o naka side. As much as possible matulog ng naka tihaya dahil ang ganitong position ng pagtulog ay nakakatulong para makaiwas tayo sa wrinkles sa mukha partikular sa eye area. Ang gravity kasi dulot ng bigat ng ating katawan at ulo ay pinapasan ng ating mukha kung matutulog tayo ng nakadapa, iyan ang rason kung bakit may malaking butas para sa mukha ang mga massage beds. Hindi rin kasi maganda na hindi pantay ang pagkalapat ng ating spine kung tayoy mahihiga ng matagal. Ang mga problema tulad ng poor posture, stiff necks at back pains ay maaring hatid rin ng ating hindi magandang posisyon sa pagtulog. Mahalaga rin na meroon kang malamnot na unan na dapat higan dahil ang masyadong makapal na unan ay hindi rin magandang tulugan, mahalagang relaxed position ang ating icoconsider sa ating pag tulog.
- Ang pagsusuot ng masisikip na damit ay nakakataba. Kahit ang seksing babae ay magmumukhang tumaba kung magsusuot sya ng masisikip na blouse at dress. Bagamat usong uso ngayon ang tight fitting clothes tulad ng skinny jeans, corset at bandage dresses, kailangang iconsider mo rin ang iyong body size, hindi kailangan makiuso para magmukhang maganda at fashionable dahil ang classic cuts ng dresses at iba pang clothing ay aayon rin naman kung dadalhin ng maayos. Kung hindi maiwasan ang pagsusuot ng tight styled clothes, pumili ng 1 to 2 size bigger sa iyo para hindi magmukhang mataba. Ang pagsusuot ng tight clothes ay meroong ding potential health hazzards. Ang Heartburn at GERD ay maaring maging sanhi ng pagsusuot ng thick belts, samantalang ang Tigh tinggling syndrome ay dulot ng sobrang panay na pagsusuot ng skinny jeans. Meroon ding reported fainting incidents para sa mga corset fanatics.
- Ang Paglalagay ng clear nail posilh bago iapply ang tinted o colored nail polish ay makakatulong para mabawasan ang paninilaw ng iyong mga kuko. Ang Nail discoloration ay maraming sanhi, katulad ng skin infection, o hematoma. Ngunit maari rin itong makuha kung masyadong matagal nag stay ang nail polish sa iyong mga kuko. Lalo na kung mahilig ka sa dark colored nail polishes tulad ng black, violets at dark browns at reds. Kung gusto mong makasiguro na hindi magkakastain ang iyong mga kuko sa nail polish gumamit ng Basecoat sa halip na Clear nail polish dahil ang ibang clear nail polish ay may tendency pa rin na mag stain. Magkiskiss ng lemon o kalamansi sa yellowish nails bago simulan ang pedi at manicure.
- Smiling will make you more beautiful. Isa yang kasabihan na scientifically proven. Ang pagsimangot ay pumupwersa sa ating facial muscles para mag sag at magform ng premature lines. Panatilihin ang relaxed state ng ating facial muscles as much as possible. Pero alam mo rin ba na ang masyadong pagtawa ay maari ring magresulta sa maagang pagaapear ng laughing lines. Kaya its okay to put your emotion in moderation lang, sabi nga. Ang mga creases kasi na nafoform kapag sumisimangot o tumatawa tayo ay magiging wrinkles in time, Kayat hanggat maari ay iwasan ang pagsimangot, pagtataas ng kilay, at squinting. Bagamat maaring magkaroon ng maagang crows feet sa pagtawa, mas mainam na ito kesa magkaroon ng wrinkles dahil sa galit.
- Ang paggamit ng make up ay hindi assurance para magmukhang bata at bumata ang hitsura. Napakaraming kababaihan ang meroong daan daang koleksyon ng make up para sa ibat ibang okasyon, ang iba ay hindi makaalis ng bahay ng walang suot na make up. Mahalagang malaman kung naabsorb nga ba ng skin ang mga cosmetics na inilalalgay natin sa ating mukha. Alam mo ba na ang mga chemical kahit anong form ay meroong reaksyon kapag pinaghalo, kung meroon kang ibat ibang klaseng make up na pinaghahalo halo mo ito sa skin mo everyday, mahalagang bigyang pansin ito. Ang mga cosmetics na meroong parabens lauryl suphate ay maaring mag enter sa iyong bloodstream kung iaaply sa skin ng madalas.
- Nangyari na ba sayo na mali ang iyong nabiling conditioner. Kung certified kikay ka malamang oo, dahil sa napakaraming conditioner na available at lahat malamang ay gusto mong itry lalot kung bago ang produkto, at hindi ito masasayang sakaling nagkamali ka nga ng bili. Maari kasing gawing shaving cream ang conditioner, meroon syang same moisturizing effect at silky texture para maiwasan ang cuts at wounds kung nagshashave. Maaaliw ka din sa mabangong scent nito, na di hamak na mas pleasing kesa sa amoy ng ibang shaving mouuse o cream. Ang effect nya ay halos pareho ng effect ng branded shaving wax, kung tutuusin mas murang gamitin ang conditioner kesa shaving cream dahil available sila in sachets.
- Sikipan ang iyong bra straps habang naluluma, sa ganitong paraan mas magmumukhang perky ang iyong boobs. Bumili ng bagong bra kung talagang luma na ang iyong bra at hindi na masikipan ng mayos. Ang paginvest sa maganda at quality na bra ay karapatan ng bawat babae, lalo na kung nanganak ka na at kailangan mo ng extra lift para sa iyong boobs. Pumili ng bra na meroong under wire at may medyo makapal ang pads. Medyo sensitive rin kasi ang nipples ng babae kung meroong hormonal changes tulad ng period at pregnancy kayat mahalagang meroong protection ang iyong bra. Marami naman quality Bra na hindi ganoon kamahal, mahalaga lamang na alam mo ang iyong tamang cup size.
- Alam mo ba na mas preffered ng maraming kababaihan ang waxing kesa shaving. Dahil totoong mas kumakapal ang buhok everytime na shineshave mo, kapag waxing ang paraan mo lumalambot ang hairstrands everytime na nagwawax ka at eventually maglelead ito sa permanent hair loss sa area na lagi mong winawax. Bagamat mas madali ang pagsheshave kesa waxing, mas masakit at mas matagal ang pagwawax. Pero noticeable na hindi agad tutubo ang buhok sa area na winax kesa kung shaving na ilang araw lang ay babalik ulit ng mas makapal. Kung maliit lang naman ang area na inaalisan mo ng buhok at hindi hassle ang extra hair growth sayo, maaring magstick ka nalang sa shaving. Pero kung mahalaga ang maging hair free lagi ang isang area ng katawan sa iyo mas mainam na magiinvest ka ng time ang money sa waxing.
- Alam mo ba na kung nagdidiet ka mahalagang sabayan mo ito ng exercise. Totoo na magiging loose at saggy ang iyong balat kung gradual ang weight loss mo dulot ng iyong masigasig na pagdidyeta. Mahirap kasing maging tight muli ang skin pagkatapos mong pumayat. Kailangang habang meroong weight loss ay meroo ding exercise. Ang situps ay makakatulong para maging tight ang abdomen area habang ang konting jogging ay tutulong para maging firm ang iyong tighs, sabayan pa ng squats at hindi mo na kailanganin problemahin ang loose skin after weight loss. Meroon kasing mga tao na mabilis ang pagpayat kaya hindi na magawa pang makaadjust ng skin nila habang lumiliit ang kanilang pangangatawan. Mahalaga rin na magtake ng vitamin e habang nagpapapayat, proprotektahan nito ang balat sa stretchmarks at dry skin.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletenice tips. I like it
ReplyDeletei love it! thank you for the tips..
ReplyDelete