Everyday Beauty Tips na Magagamit mo


 - Pinaka epektibong paraan sa pagkontrol ng stress ay ang enhancement ng parehong intellectual at physical well being. Ang excercise at pagsasanay ng ilang relaxation methods ay ilang paraan upang mapanatiling checked ang chronic stress. Maari ding magsanay ng ilang techniques tulad ng 5 min. controlled breathing excercise na mainam upang maalis ang escalating feelling tulad ng tension, anger at frustration. Mag concentrate sa present state at magbigay ng atension sa iyong paghinga. Subukang gawing 2 beses ang haba ng inhalation phase na makakatulong upang harapin ang anxiety o panic attacks.

- Hugasan ang mukha gamit ang malamig na tubig at mag aplay ng rose water na makakatulong upang makabawas sa labis na oil formation sa mukha. Uminom ng cucumber juice kada umaga habang walang laman ang tiyan na maaring kumontrol sa oily skin. Maari ding gumamit ng mainit na tubig na kaya ng iyong balat dahil kumpara sa lukewarm o malamig na tubig mas mainam ito upang ma disolve ang oil sa balat. Maari ding gamitin ang papaya bilang cleanser, dahil hindi lamang nito pinapalambot ang dead skin cells tumutulong din ito sa pagtangal ng mga ito. Kumuha lang ng raw pulp papaya at i aplay sa mukha.

- Iwasang kuskusin ang iyong balat na maaring magpalala ng problema at maging rason upang kumalat ang acne. Hugasan at i shampoo ng madalas ang buhok, iwasan din na lumapat ito sa iyong mukha. Magkaroon ng food diary kung isa ka sa mga kaunting tao na nagiging malala ang acne kapag may nakakain ng isang specific na pagkain. Mag work out regularly upang mapanatili ang magandang sirkulasyon ng dugo at i minimize ang iyong stress levels. Huwag ng mag aplay make up kung hindi na kinakailangan. Iwasan ang pagamit ng granular facial scrub kapag may acne dahil maaari nitong ma iritate ang iyong balat.

- Piliin ang hair highlights na bagay din sa iyong skin tone, tulad nalang ng dark at low lights na bagay sa may mga olive toned skin. Kinakailangan ng maintenace ang may kulay na buhok dahil ang chemical na ginagamit sa hair highlighthing ay nakakasira ng strands at ginagawang dull ang buhok kung saan mas nagiging prone ito sa breakage at frizzines. Gumamit ng shampoo at conditioner na para sa colored treated hair at i deep kondisyon ang buhok ng 1 beses sa 1 linggo. Iwasan ang chemical cure ng 1 hanggang 2 linggo. Ang over processing sa buhok ay maaring maging sanhi ng drop out o break off.

- Alisin ang traces ng eyeliner at mascara gamit ang isang gentle na makeup remover. Gumamit ng eyelash curler at i squeeze ang lashes mula 5 hanggang 7 segundo. Habang nakapikit, gumuhit ng light na linya gamit ang eyeliner sa iyong top eyelid. Pagkatapos, buksan ang mga mata at lagyan naman ang bottom lid. Gumamit ng water proof na mascara sa top at bottom ng iyong lashes at siguraduhin mag aplay din sa outer lashes para sa mas flirty na itsura. Gumamit din ng pale na kulay na powder at i sweep ito sa iyong kilay, ilalim at sulok ng iyong mata upang maalis ang dark circles at wrinkles.

Comments

Popular Posts