Mga damit na bagay sa body shape mo
Hourglass figure
Ang Hourglass figure ay yung meoong balakang na bumabalanse ang laki sa bandang balikat at merrong maliit na waistline kaysa balakang o balikat. Good news! Halos lahat ng cuts ng dresses at skirts ay bagay sa iyong figure. Ang key dito ay huwag masyadong i-emphasize ang curve. Magsuot ng pencil cuts skirts at i-pair ito sa tops na medyo maluwag sa may beywang o magsuot ng boot cut jeans dahil nai-emphasize nito ang iyong magandang curve. Kung maari huwag pumili ng empire cut dresses at sa halip pumili ng peplum dresses. Maaring gayahin ang style ni Kim Kardashian, si Kim ay meroong perfect hourglass shape at ang kanyang mga damit ay nadadala niya ng maayos dahil sa choices ng cuts at styles nito.
Si kim K. at ang peplum outfit niys, Galing dito ang pic |
Rounded / Circle / Apple Body Shape / Type
Best features mo ang iyong slender legs. Common mistakes ng may ganitong body shape ay ang masyadong pagtago ng kanilang upper body, maari kang magsuot ng blouses na lower necklines o kaya shoulder revealing blouse. Mai-babalanse ng damit ang iyong body shape para mag mas mukha kang matangkad. Itry mo ang mga structured jackets tulad ng blazers, cowl neck blouses o yung may mga butterfly sleeves. Ang lycra fabric clothes ay maganda ang bagsak sa body shape mo,Kung proud ka sa legs mo ipakita ito! Magsuot ka ng bootcut jeans na nakakapayat rin at the same time at mga dresses na may runching para maconceal din ang tummy.
Ang singer na si keSha ay may famous apple shaped build, Galing dito ang pic. |
Inverted Triangle / Body shape / Type
Best features mo ang tapered torso, trim waist at killer legs na nagbibigay sayo ng confidence. Alam mo na ang iyong legs ay maganda ang shape kaya maari mong i-show off sila ng sobra sa pamamagitan ng fitted leggings. Okay yun kung suot mo ay long top, pero mas gusto mo rin na bigyan ng balance at volume ang iyong upper half tama? Magsuot ng v neck shirts at draperred tops, iwasan ang ruffles. Pumili ng wide legged pants o long skirts para bbalanse ang look mo. Kung gustong i-show off ang legs, pumili ng medyo maiking skirt o iyong may flowy fabric. Magsuot ng thick belts na merong embellishments para naman maiwasan ang attention sa iyong upper body, habang panatilihing simple ang earings at necklaces.
Rectangular figure / Body shape / Type
Best feature mo ang iyong slender at athletic build. Ang key sa body shape na ito ay pagpili ng tops na meroong perfect fit. Babagay sayo ang blouses na meroong ruffles at womanly accents, iwasan ang squared prints at sa halip pumily ng plaines na crew cut at off shoulders. maganda din saiyo ang high waist pants o mga square pants, para sa added curve sa iyong mid-part. Pumili ng wrap around dresses, na meroong laces, ruffles at soft fabrics.
Comments
Post a Comment