Mga simpleng paraan para maalis ang facial warts


Ang facial warts ay dulot ng HPV virus, madali itong makahawa at madali rin kumalat kahit sa simpleng paraan ng pagkamot lamang. Isa sa pinaka siguradong daholan kung bakit nagkakaroon nito ay ang mahinang immune system, kadalasan kapag nagkakasakiy tayo ay mas madali tayong mahawa ng warts. Sa mga kababaihan, pagkatapos manganak ay mapapansin ng ilan na biglang nagsusulputan ang facial warts, isa sa dahilan nito ay ang paghina nga ng immune system na dulot ng panganganak.
Narito ang ilang natural remedy sa iyobg facial warts:
1. Garlic o bawang. Hatiin sa sa gitna ang isang garlic clove at ikiskis ng mabuti sa facial warts mismo. Siguraduhin na mababasa at maabsorb ng warts ang garlic juices habang ikinikiskis. Gawin ito ng 2-3 x a day, mapapansin ang kaibahan sa loob ng isang buwan depende sa dami ng facial warts mo. Ang ganitong paraan ay mahapdi sa balat at may katagalan, pero epektibo ito at hindi kailangan gumastos. Mas mabuti rin na huwag muna mag apply ng makeup o kung anu mang cosmetics habang nasa ganitong treatment.
2. Cortisone at karayom. Ang ganitong paraan ay mainam kung ang warts mo ay medyo malalaki at nakaalsa. Dahil kinakailangang sundutin ng karayon ang warts isa isa saka lagyan ng cortison cream na nabibili sa drugstore. Masakit ang ganitong paraan at sapat siguraduhin na malinis ang karayom na gagamitin. Kung flat ang facial warts mo at hindi kalakihan, mabuting iwasan ang paraan na ito. Ang ganitong method ay mabisa sapagkat ang pagtusok sa warts at paglagay ng cortisone pagkatapos ay mas nagpapadali sa pagpatay ng virus. Mapapansin na sa pagkatuyo ng sugat ay kusang matutuklap ang warts.
3. Tea tree oil. Ang tea tree oil ay mabisang gamot para mapatay ang anumang uri ng virus. Ito rin ang pinaka hassle free ngunit kailangan regular at may katagalan ang bisa. Idilute lamang ang maliit na amount saka ikiskis sa affected area 3x a day.
4. Vitamins at minerals. Higit sa lahat napakahalaga na malakas ang resistensya mo para makaiwas sa virus. Ang kahit anong medication ay walang silbi kung mahahawa at mahahawa ka uli pagkatapos. Siguraduhing palakasin ang immune system.
5. Hygiene. Ang warts ay virus at madalung makahawa. Kailangan ng ibayong pagiingat, magkatoon ng personal na gamit tulad ng twalya, sabon, makeup tools kung babae, mga medyas at panyo.
Ang larawan ay galing sa: Moleswartsremoved.com
Published with Blogger-droid v2.0.10

Comments

Popular Posts