Health tips ngayong tag-ulan
Dahil ang panahon ng tag-ulan ay panahon ng ubo, sipon at trankaso, panahon rin ito ng dry hair, dry skin at skin infections at disease. Narito ang ilang tips para maging healthy at beautiful pa rin kahit tag-ulan.
- Kung alam mo na may posibilidad na mabasa ka sa iyong pagpasok sa paaralan o opisina, huwag lamang payong ang ilagay sa bag. Maglagay rin ng maliit na twalya, extra tshirt at tsinelas. Ang hindi paghubad agad sa basang damit o sapatos ang nagiging dahilan ng fungi, at body odor.
- Hindi porket tag-ulan ay maaring hindi maglagay ng moisturizer o lotion sa iyong mukha at katawan. Ang ganitong weather conditions ang kadalasang sanhi ng dry skin, kailangang moisturized ang balat at all times. Makakatulong ang mga pocket sized moisturizer sa ganitong panahon.
- Ang vitamin c ay mahalaga. Hindi lamang para makaiwas sa sakit na nagigung dahilan ng saggy skin at dry hair. Ang karagdagang vitamin c ay kailangan ng katawan para sa iying kutis at mga kuko. Ang kakulangan kasi ng vitamins na mula sa araw ay maaring maging sanhi ng nail discolorations at coarse hair.
- Gawing ugali ang pagaaply ng antibacterial gel o alcohol sa kamay every 4 hrs. Ang ganitong panahon ay chance sa bacteria na magbreed double time dahil sa added moisture. Ang hygiene ay malaking bagay para maging healthy lagi at maganda.
Published with Blogger-droid v2.0.10
Comments
Post a Comment