Whitening Tips para sa Morenang Pinays
Mga Sangkap:
1) 9 Patak ng Calamansi - Ang Calamansi ay napaka-common na citrus sa Pilipinas. Mura lang ito at suwerte ka kung meron kayong tanim sa bakuran nito, dahil hindi lamang ito masarap na sawsawan Magugustuhan rin ng iyong balat ang Calamansi dahil meroon itong natural na acid na hindi nakakadry pero nakaka lighten ng Skin.
Galing dito ang Larawan |
2) 1 Kutsarang Plain Yogurt - Ang yogurt ay merong live bacteria na hindi lamang maganda sa Digestive tract ng isang tao, maganda rin bilang skin hydrant, moisturizer at gamot sa itchiness at iba't-ibang allergies. Meron din itong Lactic Acid na magandang exfoliant ng balat, at Zinc na nakaka-alis ng redness at pamamaga ng pimples.
3.) 1 Patak ng Lavander/Rose/Jasmine scent - Ang scent oils ay nagbibigay ng invigoration sa skin at nakakapag pa-relax ng ating isipan. Magandang ihalo ito sa ating whitening formula lalo kung gagawing night cream.
Paraan:
Pag halu-haluin ang mga sangkap sa isang lalagyan, maaring sa Bote na may takip o sa spill-proff na lunch box, siguraduhing nahalo ng mabuti ang mga ingredients. Gawing night cream, ilagay lamang sa bagong hilamos na mukha at hugasan after 30 minutes gamit ang maligamgam na tubig. Kung gustong gawing Day cream, kumuha lamang ng kaunti at ipunas sa mukha katulad ng paggamit sa isang regular moisturizer. Mabuting ilagay sa ref ang mixture na hindi kaagad naubos.
Comments
Post a Comment