10 Tips para tuluyang mawala ang mga pimples mo

1. Ugaliing Mag-Hilamos ng mukha tatlong beses sa isang araw - Ang Mukha ay katulad rin ng ibang parte ng iyong Katawan na narurumihan through-out the day. Kaya naman kailangan ang special attention para sa ating facial skin. Ugaliing maghilamos at least 7 minutes, 3x a day. Pumili ng Facial cleanser na merong 2 percent na Salicylic Acid, dahil tumutulong ang Salicylic acid para maiwasan ang pimples. Piliin rin yung for Sensitive skin kung Sansitive ka sa mga generic beauty products.

Clean & Clear Facial Wash - Galing dito ang larawan


2. Huwag na huwag pipisilin o puputukin ang tighiyawat - Ang tighiyawat ay nakakatempt putukin o tirisin, lalo na kung inis na inis ka sa pagsulpot nito. Ngunit ang pagputok rito ay nakakasama sa balat dahil maaring pumasok ang germs na galing sa hangin o sa iyong kamay once na naopen ang pores. Maaring mamaga at magkaroon ng di kanais-nais na peklat ang iyong skin.

3. Remedyohan kaagad kung di sinasadyang mamaga at pumutok ang pimples - Hugasan ng facial wash na may benzoyl peroxide ang namamagang tighiyawat saka patuyuin ang face with soft towel. Lagyan ng dab of salicylic acid ang pimple at hayaang matuyo. Sa ganitoong paraan, madidisinfect ang pimple at matutuyo ng mas mabilis.

4. Bigyan ng Chance ang isang beauty product ng at least six weeks - Six weeks ang trial time na kailangan mong ibigay para sa beauty item na binili mo. Kung walang pagbabago sa loob ng six weeks na ito, malamang na hindi effective ang produktong ito para sa iyo.

5. Kung narinig na ang retinoids, bigyan ito ng chance at gamitin - May mga beauty products tulad ng skin cleanser na meroong retinoids. Ito ay isang clarifying ingredient na karaniwang tinataglay ng Anti-Aging products. Ngunit epektibo rin ito sa pimples kung gagamitin ng tama. Magapply lamang ng pea-size amount sa mukha at ipunas bago matulog. Mas napapabilis kasi ng Retinoids ang Cell turnover ng balat.

6. Pigilan ang Pimple hanga't maari - Bago mamaga ang pimple, maging maagap sa treatment. Hindi kailangang isantabi ang acne products kahit walang pimple. Ugaliin ang regular cleansing at facial scrub once a week. Sa ganitong paraan nalilinis ang pores natin at naiiwasan ang extra oil.

7. Iwasan ang sobra-sobrang paggamit ng anti acne products -  Ang sobrang paggamit ng acne products ay nakaka cause naman ng drying at redness ng skin. Ugaliin ang regular usage ng ganitong produkto, like once a week or twice a week. Kung wala namang masyadong problema sa acne, hindi kailangang araw arawin ito.

8. Mag relax ay manatiling stress free - Nakakasawa na ang advice na iwasan ang stress para gumanda ang skin, pero ito ang katotohanan. Maaring mahirap gawin dahil busy tayo sa ating work, school o love life. Maaring walang time to exercise at ichannel ang positivity natin. Ngunit ito ang challenge kung gusto mo ng pimple-free skin.

9. Alalahin lagi ang mantra na: Anti Acne products sa Gabi, Sun protection sa Umaga - Ang paggamit ng Anti Acne products ay maaring maging sanhi ng sun damage, Dahil mas nagiging manipis ang skin kailangan ng enough protection sa sunlight. Gumamit ng SPF products sa Umaga lalo kung lalabas sa initan.

SPF Moisturizer - Galing Dito ang Larawan

10. Mag invest sa scar treatment products kasabay ng pagiinvest mo sa anti acne products - Aminin natin na hindi sa pagkawala ng tighiyawat ang katapusan ng problema. Ang Acne ay naiiwan ng pangit na marks na nais nating mag-fade eventually. Ang mga moisturizer na may Licorice root extract ay maaring maging sagot sa pimple scars.


Perfect example ng clear skin! - "Song Hye-Kyo para sa Laneige"

Comments

Post a Comment

Popular Posts