Mga epektibong paraan para mabawasan ang Body Fat.
1. Kung overweight, maaring mag focus sa cardio exercises muna at magagaan na weights.
20 percent ng body fat sa lalaki at 30 percent ng body fat babae ang maiituring na overweight. Mahalagang isipin na kailangan munang mapababa ang bilang ng body fat bago mag pokus sa pagbubuhat ng mabibigat (10 lbs. pataas na weights) Magtry ng aerobis fitness o cardio workout na buong katawan ang pokus. Kapag bumaba na ang body fat percentage, unti unting bigatan ang timbang ng weights na binubuhat, mahalaga ito para mapalitan ng muscle ang fat loss.
2. Mahalagang alamin ang tamang pagkonsumo ng pagkaing meroong fats.
Ang fats sa pagkain ay kailangan ng ating katawan dahil ito ang nagsisilbing "fuel" ng katawan para sa lakas na kinakailangan. Ang pagkain ng di kinakailangan na fats tulad ng cakes, ice ceam at iba pang desserts ay maaring maging dahilan ng pag taas ng insulin levels ng katawan, kaakibat nito ay mas mataas na fat storage. Mahalagang kumain lamang ng complex carbs foods at tamang serving ng protein habang nagpapababa ng body fat.
3. Mag perform ng iba't ibang aerobic activities sa program.
Para sa ibang tao, mas worthwhile ang pag woworkout kung ito ay paiba-iba. Kaya ineencourage na alamin ang iba't ibang form ng aerobic workout at itry ang mga ito. Mas mapapabilis ang fat burning cycle kung bibilis ang metabolic activity ng katawan.
"Feminine Masculinity" ang famous toned body ni Jessica Biel. Ang ganito ka-toned na pangangatawan ay meroong mababang body fat level. Galing dito ang larawan. |
4. Mag cardio o aerobic training sa umga o pagkatapos ng weight training.
Ayon sa pagaaral mayroon ang pagsasanay aerobically pagkatapos ng weight training, o unang bagay sa umaga ay meroong mas malaking epekto sa pagkawala ng taba sa katawan. Ang ideya ay ang glycogen ay ubos na sa oras na ito kaya ang fats ay direktang ginagamit ng katawan. Maaring hindi epektibo ang ganitong paraan sa iba, ngunit wala namang masama kung susubukan.
5. Pagkain ang pangunahing sanhi ng pag accumulate ng body fat.
Kaya pagkain rin ang pangunahing solusyon ng pagbabawas nito. Bawasan ang calorie intake, sa paraang kaya ng katawan mo. Huwag mag rely sa exercise lamang para bumaba ang levels ng body fat, gawing mantra ang : exercise para sa toning at diet para sa weight loss.
Comments
Post a Comment