Mga Tips para sa Makinis at Glowing na skin!


Galing dito ang larawan


1. Siguraduhing Mag Sunscreen kung lalabas ng bahay kahit makulimlim.
Alam naming narinig mo na ito ng isang milyong beses, ngunit ang sunscreen ay ang pinakamadaling paraan para sa glowing skin. 90% ng cases ng wrinkles ay sun exposure ang sanhi, kaya para mas maalagaan ang skin ugaliin ang paglalagay ng sun screen. Alalahanin, hindi porket makulimlim o maulan, maaring palipasin ang paggamit ng suncreen, mas madaling iwasan ang skin damage kesa ayusin. Maghanap ng produktong may UVA (nakaka cause ng premature aging) at UVB (nakakacause ng skin cancer) protection. Inirerekomenda ng author ang Koji San Sunblock (132.00 PHP sa mga local drugstores)

2. Linisin ang make up brushes at sponges.
Dalas dalasan mo ang paglinis ng make up tools mo, isa sa pangunahing sanhi ng breakouts ang maduduming brushes at sponges na ginagamit sa iyong face. Mainam na umiwas sa bacteria na maaring magstay sa make-up tools mo. Gumamit ng mild soap o shampoo para linisin ito at i-air dry.

3. Ugaliing kumain ng Mixed nuts.
Ang Mixed nuts ay may Selenium, na nagdaragdag ng skin elasticity. Ibig sabihin less prone ka sa aging at dry skin. Ang nuts ay meron ring omega-3 fatty acids na nagpapakalma ng skin kung meroong breakouts. Ang high quality oils at fatty acids na nakukuha sa nuts ay pinapabilis ang skin repair at rejuvenation.

4. Umpisahang gumamit ng Skin Serum.
Ang Skin serum ay highly concentrated moisturizers. Kadalasan 3-in-1 mo ito mabibili, ibig sabihin pwede sa skin, nails at hair at meroong ibat-ibang solution, tulad ng avocado-based, lemon, o iba pang natural ingredients. Gamitin itong substitute sa lotion tuwing gabi. (nirerekomenda ng author ang Pure Beauty Serum na mabibili sa Drug stores)

5. Unti unting alisin ang Dairy sa iyong diet.
Magandang source ng calcium ang dairy ngunit madalas ito ang cause ng breakouts at skin irritation. Ang cow hormones kasi na natatagpuan sa gatas ng baka ay nakakastimulate ng oil glands. Kung maari, maghanap ng ibang source of calcium.

6. Matulog ng Maaga.
Dahil ang stress ay nakaka tanda, nakaka dry ng skin at nakaka cause ng backne at acne. Kailangan ng proper rest at enough sleep para makabawi ang ating katawan sa araw araw na gawain. Kung hindi maiwasan ang puyat, mag take ng soy milk. Mainam itong pang hydrate ng skin.

7. Moisturize.
sa panahon ngayon, neccesity talaga ang Moisturizer. Ang pollution, stress, air conditioning, init at biglang ulan, ay nakaka dry ng skin. Ang dry skin ang dahilan ng premature aging, or worst, breakouts. Nirerekomenda ng author ang GNC Aloe Vera moisturizer, 180.00 PHP sa GNC outlets.

8. Gumamit ng Exfoliant o facial scrub at least once a week.
Maaring hindi mo napapansin, ngunit maganda ang effect ng facial scrub at exfoliant sa skin. Iniimprove nito ang blood circulation para sa glowing effect at nililinis nito ang ating skin, free from blackheads at whiteheads. Once a week lamang para hindi magdry o mairitate ang skin.

9. Mag steam.
Isa sa sikreto ng mga kababaihang meroong flawless skin ang steam bath. Dinedetoxify kasi nito ang skin at nalilinis ng husto. Kabilang pa rito ang rejuvinating at fresh na pariramdam pagkatapos ng steam bath. Maligo ng cold water para sa max effect!

Comments

Popular Posts