Mga "Beauty Areas" na maaring hindi mo nabibigyang pansin:
Sa pagpapaganda, hindi lamang dapat naka tutok tayo sa ating mukha. Maaring mapabayaan rin natin ang ilang "Beauty Areas" na mahalaga sa ating overall beauty and health. Narito ang mga common "Beauty Areas" na napapanahon na para bigyan ng tamang TLC:
1. Ang iyong likod - Ang ating likod ay prone rin sa pimples or Bacne. Ang stress, oil, at dumi ang maaring mga sanhi ng bacne. Kaya kailangang alagaan mo rin ang iyong likod tulod ng pagaalaga mo sa iyong mukha. Narito ang ilang tips:
1. Ang iyong likod - Ang ating likod ay prone rin sa pimples or Bacne. Ang stress, oil, at dumi ang maaring mga sanhi ng bacne. Kaya kailangang alagaan mo rin ang iyong likod tulod ng pagaalaga mo sa iyong mukha. Narito ang ilang tips:
- Kapag naliligo, hugasan ang iyong likod matapos mag sabon at shampoo. Pagkatapos magshampoo at conditioner, itaas ang iyong buhok at saka maglaan ng oras para hugasan at iscrub gently ang iyong likod. Kung maari, gumamit ng acne-clearing wash para maalis ang excess oil sa iyong likod.
- Marami sa atin na pagkatapos maligo, ay hinahayaang ang basang buhok na nakadikit sa likod. Kung gumagamit ka ng conditioner o leave-ons maaring maka irritate ito sa ating skin sa likod. Mag towel dry kaagad ng buhok.
- Mahalaga ang treatment. Kung meroong bumps o pimples sa likod, gumamit ng nightly treatment na may salicylic acid para matuyo kaagad ang backne. Ang salicylic acid ay maganda ring pang-exfoliate ng skin.
Galing sa |
2. Ang iyong Eye area - Kung mahilig ka sa eye make up tulad ng eyeliners at eye shadows, mas lalo na dapat paglaanan ng oras ang pag aalaga sa eye area. Bukod sa manipis at sensitive ang skin lalo sa under eye area, prone ito sa discoloration at iba't ibang skin irritations. Narito ang ilang tips:
- Mag scrub sa eye arae 2x a week. Gumamit ng gentle facial scrub o soft body sponge. I-massage paikot habang inaaply. Kung available ang warm water, warm water ang gamitin. Ang ganitong paraan ay kailangan para masigurado na hindi madaling iitim ang eye area dahil sa make up na inaaply mo. Nagiiwan kasi ng residue ang eye make up's at ito ay nakaka-cause ng darkening. Kaya mahalaga na mag cleanse ng maayos bago matulog.
- Mahalaga ang eye cream. Ang skin sa eye area ay mas manipis at prone sa dryness at saggy-ness. Samakatuwid, para maiwasan ang premature aging sa eye area, maginvest sa eye cream.
- Kailangan mo ng swak na eye glasses! Kung genuine glass ang eye glasses mo, maaring mabigat ito at maging sanhi ng permanent marks sa eye area. Kung maari, magpalit ng mas modern - made of plastic eye glasses, kung hindi possible siguraduhing mag allot ng time para tanggalin at i-massage ang eye area every now and then.
3. Ang iyong lips - Ang lips ay mahalagang "Beauty area" dahil manipis ang skin dito at prone rin sa aging. Laging tandaan na ang supple at smooth skin ay sign of youth. Narito ang ilang tips para mapanatili ang Smooth & Supple lips:
- Lip Balm. Ang lip balm ay dapat inaaply multiple times a day. Madali kasing mag-dry ang lips dahil sa kumakain tayo at umiinom tayo multiple times a day. Ang liquid residues ay naka dry ng lips. Pumili ng may SPF na lip balm.
- Proper vitamins & minerals. Ang dry at cracked lips ay maaring sanhi ng pagkukulang sa vitamin E at D. Siguraduhing kumakain ng tama para hindi maging vitamin deficient.
Galing sa: https://s-media-cache-ak0.pinimg.com ang larawan |
4. Ang iyong kamay - Ang iyong kamay ang ginagamit mo para magtrabaho. Kailangan rin nito ng TLC.
Comments
Post a Comment