Tips para sa may mga sun-damaged skin

Ano ba ang sun damage? Parehas ba Ito ng sunburn na nakukuha natin sa beach ? Well, Hindi. Ano ba Ang kaibahan nila?

SUN-BURN - Mahapdi, mapula at maating may blisters. Kung malaking part ng skin Ang na sun burn, maaring lagnatin, manghina at madehydrate. Pagkatapos ng pamumula ay matutuklap Ang balat o magreregenerate. Makati ito dahil inaalis ng katawan Ang damaged skin cells.
SUN-DAMAGE - long term effect ng UV rays na Hindi lamang skin deep Ang resulta. Ang premature wrinkles, skin discoloration, lines at maaring skin cancer. Ang sun damage any nagaaccumulate. Maaring nakuha mo Ito noong Hindi ka pa nag susunblock everyday.

Ang sundamage ay nagaacumulate, pero Ang good news maari itong ireverse! Ang tips sa ibaba any makakatulong para maiwasan ang further sun damage sa skin mo at ang best effect ay mareverse ang damage sa nagawa ng unprotected sun exposure mo noon!

1. Chemical exfoliation - Ang chemical exfoliation ang pinaka mabilis na method para mabawasan ang sun damaged skin. Kabilang dito ang IPL o microdermabrasion at obagi. Maaring iavail ang derma treatments kung feel mo. Pede ka run mag try ng products na nay tretenoin at retin-A, magstart sa lowest dosage kung first time mo gagamit. Mahalaga ring iwasan ang direct sun exposure habang nagttreat.

2. Skin bleaching - Ang skin bleaching ang pinaka effective method para mawala ang dark spots. ang mga skin care products na may hydroquinone Ay may bleaching properties. Pero mahalaga na Hindi lalagpas ng 4% ang content ng gagamitin mo, dahil ma side effects ang longterm use nito. Maari ring gumamit ng kojic acid products, mas accessible Ito at madaling gamitin.

3. Skin protection - Huwag mo ng hayaan mas madamage pa ang skin mo! Itaas ang SPF requirement kung summer, para sa everyday protection pumili ng may SPF 50-70 at SPF 70 or higher kapag mag bebeach, camping o kahit anong outdoor activity na nasa direct sunlight ka.

4. Magdagdag ng antioxidants sa diet - Ang antioxidant ay matatagpuan sa mga pakaing may vitamin C. Ang antioxidant ang nagoroprotekta sa collagen sa skin from free radicals na nakakacause ng wrinkles. Pinoprotektahan rin ng antioxidants ang Skin DNA para maiwasan ang skin cancer.

Kung susundin ang apat na skin tips na 'to, maiiwasan ang sun further sun damage at maasahan mo ang glowing at healthy skin kahit sa iyong 50's!

Sample ng invisible skin damage. Kung titingnan under the microscope, existing ang dark spots, lines at discoloration.

Comments

Post a Comment

Popular Posts