Mga Beauty Products na Swak but Sulit!
Bilang isang Budget Conscious but Kikay na Pinay, gusto natin ng Effective na Beauty product pero ayaw natin ng MAHAL! (Apir kung agree ka jan!) Alam kong tanggap natin lahat na Kailangang gastusan ang Kagandahan (Korean lang ang peg!) Ngunit, may kasabihan po tayo na Hindi kailangang mahal magpaganda. Kung afford mo ang regular derma treatments at top-of-the line na beauty products, then Go! push mo yan! Pero kung katulad ka ng Author ng blog na 'to na gustong Gumanda pero ayaw gumastos ng above 300 php para sa isang bote ng conditioner, basahin mo ang recommended Beauty products below:
Sa Hair:
1. Pantene 3-Minute Miracle Conditioner - True to its Name, i-apply for 3 minutes ang conditoner matapos mag shampoo at saka banlawan. For super effects, lalo kung Dry ang hair mo, luke warm water ang gamitin. Base sa observation ng author, Hindi kailangang araw araw ang paggamit, dahil in 3 weeks feel na feel mo na ang difference sa hair mo!
Galind dito ang larawan |
2. Human Nature Conditioning Hair Mist - Yung eksenang Dadaan ka sa isang isawan bago ang ang Date! Perfect ang product na to dahil inaalis nya ang unwanted smell na kumakapit sa hair mo right after spraying. Recommended ng author na mag brush after ispray, spray all you want! iwasan lang maging wet look bago ang Date!
Galing dito ang larawan |
4. Head and Shoulders Menthol Shampoo - Ang dandruff ay bawas ganda points! kaya siguraduhing dandruff free ka. With regular use, talaga namang Dandruff- Free ang hair mo.
Sa Skin:
1. Koji San Kojic Soap - Maaring may hiyangan ang lahat ng beauty products, lalo kung sa skin mo gagamitin. Pero highly recommended ng Author ang Koji San Kojic Soap, dahil exfoliator ang cleanser in one sya!
Galing dito ang larawan |
2. Vaseline intensive cae Lotion, Aloe soothe - Lightweight lotion na may Super moisturizing power. Plus points nalang ang smell na fresh na fresh ang dating at ang cooling effect niya.
Galing dito ang larawan |
3. Nivea Sun Moisturizing Immediate sun protection - May SPF 30 or 50 - na okay na okay na for the whole day kung hindi ka magbababad sa araw. Hindi kailangang generous ang amount na iallagay sa arms at legs, just enough para ma feel mo na protected ka from the UV rays :)
Galing dito ang larawan |
4. Vaseline 100% pure petroleum Jelly - Ang petroleum jelly ay supper effective sa dry lips, dry skin at minor irritations.
5. Garnier Brightening Scrub Wash - Bet ng author ang facial scrub na to dahil mild sya at natural ang scent. Hindi kailangang araw-araw mag scrub 1-2x a week ay okay na.
Galing dito ang larawan |
6. Human Nature natural body scrub - Right after gamitin ang scrub na 'to, feel mo agad ang softness ng skin! Plus points sa scent at hindi sticky gamitin.
Galing dito ang larawan |
Next post na ang Swak but Sulit na make up Items :)
Comments
Post a Comment