Bakit Kailangan ang Beauty Goals?
Ano ba ang beauty goals at bakit kailangan ito sa ating beauty must-haves? Ang beauty goals ang ang health & beauty-related plans na dapat ma-achieve natin. Hindi lang dahil new year kaya kailangan nating maglista ng beauty goals, ito ang tutulong satin na unti-unting ma-achieve ang pinapangarap nating hair/skin/make-up/fitness goals sa buhay! Dahil ang mga ito ay hindi basta-basta nakukuha, kailangan maging "standards" na natin ang ating beauty goals once ma-achieve.
Maaring hindi ka fan ng New-Years resolution pero narito ang ilang Tips para makamit mo ang iyong Beauty Goals:
1. Make a list! Gumawa ng listahan kung saan nakasulat ang gusto mong ma-achieve at kung kailan. Mas mabuting maging realistic lalo na sa timeline. Kung kailangan, kumonsulta sa specialist. Halimbawa: Hindi na ako mag kaka-acne after 6 months. Mas mabuti na Kumonsulta sa isang dermatologist kung ano ang dapat gawin at kung gaano katagal ang treatment na kinakailangan.
2. Gumawa ng Regimen. Ang regimen ay rule na susundin mo hangang makasanayan. Kung gusto mo ng healthy at sun-damaged free skin within 6 months, dapat ay ugaliin mo ang paglalagay ng Sunblock bago lumabas ng bahay.
3. Baguhin ang Mindset. Ang mindset o habit ay vital part ng beauty goals natin. Laging ipaalala sa sarili ang dahilan kung bakit ka may Goals. Kung gusto mong pumayat within 6 months baguhin ang mindset sa pagkain ng tama at pag-eehersisyo. Alam mong mahirap i-ischedule ang ehersisyo at mahirap rin para saiyo talikuran ang chocolates, pero ang bagong mindset sa mga bagay na ito ang maglalapit sayo sa goals mo.
Galing dito ang larawan |
A brilliant piece of writing, a must read it has been always a pleasure reading your Guestbook.
ReplyDeleteAcne Ultimate