Magpakinis ng balat gamit ang Kamatis

"Pampakinis ng mukha ang kamatis" yan ang advice ni Lola satin noong bata pa tayo. Pero nung mga panahong iyon hindi tayo sure kung totoo yun o echos lang ni lola para kumain tayo ng gulay. Ang lycopene, no. 1 mineral na matatagpuan sa kamatis ay mabisang paraan para maalis ang Melasma o skin discoloration, sun damage at effective din for skin whitening. Pero ayon sa mga experts, kapag kinain ng raw ang kamatis hindi nakukuha ng skin ang lycopene 100%, majority rito ay napupunta sa vital organs natin sa katawan (yehey pa rin) Pero alam mo ba na hindi lang ang pagkain ng kamatis ang epektibong paraan para kuminis ang balat? Narito ang ilang paraan para gamitin ang Tomatoes o kamatis sa as a natural pampaganda:

Bilang Facial mask. Kumuha ng 1 pirasong hinog na kamatis. Pigaiin ito upang ma-extract ang seeds at juice. Ihiwalay ang balat at kunin lamang ang juice, maaring lagyang ng grated cucumber (walang balat) o olive oil kung oily ang skin mo. Kung Dry naman haluuan ng ng 1 tbsp. na lemon extract. Ilagay sa mukha at iwanan hangang 15 minutes, pagkatapos ay banlawan ng maligamgam na tubig. May instances na maaring magka mild irritation dahil sa acidity ng tomatoes, pero mawawala ito, kung sa loob ng 10 mns. ay hindi mawala, hugasan kaagad ang mukha.

Bilang Frozen cubes. Hiwain ang kamatis ng cubes, maga 2x2" ang laki kung kakayanin, kung maliit ang kamatis i-slice nalang at i freeze overnight. Pag gising kinabukasan, bago maghilamos ay i-rub ang frozen tomatoes sa pisngi in a circular motion ng mga 15-20 minutes. Pagkatapos ay maghilamos gamit ang normal facial wash mo.

Bilang eye pack. Kumuha ng isang kamatis at hiwain sa gitna. Kunin lamang ang isang slice at kunin ang juice nito. Ihalo ang tomato juice sa aloe vera at ilagay sa under eye area. hayaang matuyo for 15 minutes at saka banlawan. Ang paraang ito ay mabisang pang treat sa dark under eye circles. Huwag lamang hahayang pumasok sa mata ang tomato juice.


Marami na ring nabibiling Tomato-based beauty products

Comments

Popular Posts