Paano mapapalakas ang Immune system?
1. Tamang Pagkain - Ang pagkain ang nagbibigay ng lakas na kailangan para malabanan ang sakit, kaya importante ang tamang pagkain. Mahalaga rin ang tamang nutrisyon para mapanatili ang tamang pagiisip sa panahong nakaka-stress. Narito ang ilan sa mga masusutansyang pagkain na magpapalakas sa iyong inyong Immune system.
Green Leafy - Mga Gulay na tulad ng repolyo, sigarilyas at kang-kong
- 3-4 servings a day ang kinakailangan ng katawan
- Majority nito ang dapat na nasa daily meals mo
Carbohydrates - Mga tinapay, Kanin at pasta
- 1-2servings kada araw, o 1-2 cups
- Maaring dagdagan ang servings kung pagod at mataas ang stress level
Protein - Karne ng manok o Baka, Isda, Beans, Tofu, Gatas at Itlog
- 1-2 servings kada araw
- Maaring dagdagan kung mataas ang level ng Physical activity
Sweets - Mga Prutas o Gelatin
- 1-2 servings lamang kada araw
Fats - Butter o magarine, cooking oil
- 1-2 servings kada araw
- Karaniwan ang mga kinakain nating karne at isda ay may Fat content na sapat na para sa pang araw-araw na pangangailangan ng katawan natin
2. Probiotics - Ito ang "Good Bacteria" sa ating katawan, dahil pinoprotektahan nito ang ating tiyan sa mga "bad bacteria". At isa pa, ang lactic Acid bacteria na mayroon ang Pro-Biotics ay binibigyan ng proteksyon ang upper espiratory tract ng mga walang sakit.
3. Exercise - Ang pageehersisyo ay mahalaga para mapalakas natin ang ating cardio vascular system. Isingit sa pang araw-araw na gawain ang Cardio vascular excercises tulad ng jogging, jumping-jacks at iba pang aerobic excercises. Ang mga ehersisyong pampalakas tulad ng lifting, High-interval instensity work outs o iba pang sports ay makakatulong ring upang makapagdagdag ng muscle mass na syang nakakapag bigay ng mas mataas na enerhiya na kinakailangan natin.
3. Pahinga - Kaylangan natin ng 7-8 Hrs of sleep. Ito ay para mabigyan ng oras ang anting systema na gawin ang function nila. Kapag naipapahinga natin ang ating sarili lalot kapag gabi, binibigyan natin ng tamang pagkakataon ang ating katawan na maka recover.
3. Stress Management - Napaka halaga nito para sa ating well-being. Ang tamang disposisyon ng ating pagiisip ay kinakailangan upang magkarron tayto ng tamang judgement, mentality at masayang disposisyon sa araw-araw.
Galing dito ang larawan |
Comments
Post a Comment